Lani, Sarah bilib na bilib kay Morissette | Bandera

Lani, Sarah bilib na bilib kay Morissette

Ervin Santiago |April 25,2015
facebook
share this

Lani, Sarah bilib na bilib kay Morissette

Ervin Santiago - April 25, 2015 - 02:00 AM

morrissette

KUNG meron kaming favorite biritera sa young generation ng female singers ngayon, yan ay walang iba kundi ang The Voice grand finalist na si Morissette.

Grabe ang boses ng babaeng ito – mahilig siyang bumirit pero hindi masakit sa  tenga. At bukod diyan, bilib na bilib kami kapag nag-whistle na siya ala-Mariah Carey! In fairness, kahit ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha at ang Pop Princess na si Sarah Geronimo ay walang masabi sa ga-ling ni Morissette.

Kaya naman talagang umani ng papuri at palakpak ang tinaguriang Next Big Diva ng Pilipinas sa presscon na ibinigay sa kanya ng Star Music para sa kanyang self-titled debut album.

“Matagal ko pong hinintay na mangyari ang blessing na ito kaya po talagang binigay ko ang best ko sa pagkanta ng lahat ng tracks sa album ko,” pahayag ni Morissette.

“Kung mayroon man po akong maipagmamalaki bilang singer, ito po ay ang album na ito kung saan pinakita ko ang passion ko sa music. Hangad ko po na maramdaman iyon ng mga tao kapag napakinggan nila,” sey pa ng dalaga sa presscon ng kanyang album.

Ibinahagi rin ng Kapa-milya singer na nagawa niyang mag-explore at mag-eksperimento habang nagre-record ng kanyang album. Patunay dito ang mga kanta niya ng iba’t ibang music genres gaya ng R&B, ballad, at pop.

“Hindi ko po gustong makilala bilang singer na magaling lang bumirit. Desidido po akong hasain ang sarili ko bilang isang total performer hindi lang para sa audience kundi para na rin sa akin,” ani Morisette.

Bahagi ng debut album ni Morissette ang pitong kanta kabilang ang “Throwback” na nagtatampok rin kay KZ Tandingan, “Hinahanap Pa Rin,” ”Mahal Kita, Mahal Mo Sya, Mahal N’ya Ay Iba,” “You and I,” “Run Like A Warrior,” ang acoustic version ng “Himig Handog 2014” hit song na “Akin Ka Na Lang” na personal favorite din namin, at ang carrier single niya na “Di Mapaliwanag.”

Kasama naman sa listahan ng bonus tracks ang original version ng “Akin Ka Na Lang” at ang mga sikat na movie at teleserye theme songs na inawit ni Morissette gaya ng “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa” ng Two Wives, “Kapag Ako Ay Nagmahal” ng Flordeliza, at “Nothing’s Gonna Stop Us Now” na inawit niya kasama si Daniel Padilla para sa box-office movie na “Crazy Beautiful You.” Laman rin ang album ang minus one versions ng mga piling kanta.

Ang self-titled debut album ni Morissette ay available na sa inyong favorite record bars nationwide. Maaari na ring ma-download ang digital tracks sa online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending