Gerald laging pinapakain ng masarap ni Janice kaya na-in love | Bandera

Gerald laging pinapakain ng masarap ni Janice kaya na-in love

Jobert Sucaldito |April 25,2015
facebook
share this

Gerald laging pinapakain ng masarap ni Janice kaya na-in love

Jobert Sucaldito - April 25, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson

Isa pang nakakatawang mga eksena sa social media ay itong mga quotes ni Mareng Janice de Belen (mare daw, ow! Ha-hahaha!) about her rumored romance with matinee idol who’s just almost half her age na si Gerald Anderson.

Dahil nali-link ang pangalan ni Janice kay Gerald, left and right na patutsada ang pinakakawalan ni Janice sa social media – some lifted from other authors.

Akala ko naman kasi mga original quotes niya ang mga iyon – hindi naman pala. Ha-hahaha! But in fairness to Janice, bata pa lang ito ay mahilig na sa quotes – kaya if I were her, mag-post siya ng magagandang quotes sa Sending Good Vibes sa FB para mas marami ang maka-appreciate, di ba?

Simple lang ang hinihiling ng taumbayan, Ms. Janice – speak up. Deny or amin lang naman ang dapat gawin diyan. Hindi na kailangan ng quotes.

Pero since pareho kayong nananhimik ni Gerald, nagdududa tuloy ang fans na posible ngang may relasyon kayo. Kasi nga, hindi ba’t ilang beses mo raw inimbita si Gerald sa bahay ninyo at pinapakain ng masasarap na luto mo.

Kaya puwedeng nahulog ang loob ni Gerald sa iyo, di ba? Hindi ba’t may lumang quote that says na “the best way to a man’s heart is through his stomach”. Puwede mo rin bang i-post iyon? Ha-hahaha!

Minsan ko na ring ginawa iyon sa isang young flame ko many years ago – wala akong ginawa kungdi ang ipagluto siya nang ipagluto and finally, na-in love siya sa akin. Ha-hahaha!

Para kasing pikon na pikon na si Janice sa tono ng mga quotes niya. Huwag siyang pikon – magpainterbyu na siya sa TV to deny kung talagang wala silang ugnayan ni Gerald.

Pag ayaw niyang magpainterbyu, dalawang bagay lang ang nakikita namin – she enjoys the mileage or baka totoo ngang sila ni Geh. May mga bagets kasing nasasarapan sa pagmamahal ng older women. Believe me.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending