Coco, Julia malapit nang umamin sa tunay na relasyon | Bandera

Coco, Julia malapit nang umamin sa tunay na relasyon

Reggee Bonoan |April 25,2015
facebook
share this

Coco, Julia malapit nang umamin sa tunay na relasyon

Reggee Bonoan - April 25, 2015 - 02:00 AM

coco martin

Pagkatapos kaya ng Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures nina Coco Martin at Julia Montes ay diretso na ito sa totohanang relasyon?

Kaya namin ito naitanong ay dahil base sa takbo ng kuwento ng Yamishista’s Treasures ay sobra-sobra ang ipinakikitang pagmamahal ni Coco kay Julia na parang totohanan na nga.

Tulad sa episode bukas, sa gitna ng kanilang pakikipaglaban sa mga masasamang engkanto, muling hahadlangan ang pagmamahal ni Yami (Coco) kay Tanya (Julia) nang matuklasan ng pamilya nito ang pakikipag-ugnayan ni Tanya sa isang tao.

Paano nga ba patutunayan ni Yami ang kanyang sarili sa pamilya ni Tanya lalo na’t may kasalan sa mga ito ang kanyang ama? Ano ang gagawin nila Yami at Tanya sa oras na malagay muli ang kanilang buhay sa peligro?

Abangan ang mga susunod na mangyayari sa Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures, 6:45 p.m., mula sa direksyon ni Avel Sunpongco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending