Kylie ginagawang ‘BABY’ ng bagong dyowa | Bandera

Kylie ginagawang ‘BABY’ ng bagong dyowa

Reggee Bonoan |April 25,2015
facebook
share this

Kylie ginagawang ‘BABY’ ng bagong dyowa

Reggee Bonoan - April 25, 2015 - 02:00 AM

kylie padilla

ANG suwerte naman ni Kylie Nicole Padilla sa boyfriend niyang si Matthew Ramos Henares (anak nina Ronnie at Ida Henares ng GMA) dahil sobra raw kung pagsilbihan siya ng binata.

Kuwento sa amin ng taong nakakakilala sa binatang kumukuha ng culinary sa Australia, sobrang bait daw nito at marespeto sa lahat ng tao, “Actually, bago lang sina Kylie at Matt, kasi ang alam ko, super crush ni Kylie si Rayver (Cruz) noon, pero mukhang hindi naman natuloy ang ligawan.

“Tapos nalaman ko na lang, sina Kylie at Matt na, suwerte na rin ni Kylie kasi mabait si Matt at saka pinagsisilbihan siya lagi.
“Minsan sa pictorial ni Kylie, biglang dumating si Matt, hindi naman kasi siya ‘yung tipo ng lalaking lilingunin mo kaya walang pumansin, tapos may dala-dalang pagkain for Kylie, hayun, ipinakilala ni Kylie sa lahat si Matt at doon nalaman na boyfriend pala niya.

“Nakakaloka nga, kasi ipinagtatali pa ni Matt si Kylie ng sintas ng sapatos, kaya nagkakatinginan kaming lahat, nakakaloka, di ba? Ikaw ba nasubukan mo nang ipagtali ka ng sintas ng dyowa mo?

“Kaya sobrang na-in love kaagad si Kylie kay Matt kasi maasikaso at sobrang mahal na mahal siya,” kuwento sa amin.Higit sa lahat, wala raw kaere-ere ang binatang ito na parang hindi naman sa ibang bansa nanirahan at nag-aral dahil napaka-down to earth.

Parati rin nitong ipinagluluto si Kylie at dinadala sa taping ng aktres o mismong sa bahay nila. Hindi naman kami masagot ng kausap namin kung nakilala na ni Robin Padilla ang bagong boyfriend ng anak, pero base naman sa huling panayam sa aktor nang tanungin siya tungkol kay Matt ay nabanggit naman niyang hindi siya nakikialam sa lovelife ng anak basta’t alam naman daw ni Kylie ang limitasyon niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending