Dating miyembro ng Hyatt 10 itinalagang bagong BOC chief | Bandera

Dating miyembro ng Hyatt 10 itinalagang bagong BOC chief

- April 23, 2015 - 06:34 PM

customsBABALIK si dating Customs Commissioner Alberto “Bert” D. Lina sa kanyang dating puwesto simula bukas, kapalit ng nagbitiw na si John Phillip P. Sevilla.
Sa isang advisory na ipinadala ng public information and assistance division ng Bureau of Customs, sinabi nito na itinakda ganap na alas-2:30 ng hapon bukas ang turnover ceremony para sa pormal na pagbabalik ni Lina.
Nauna nang sinabi ni Sevilla na nagbitiw siya sa puwesto dahil sa matinding political pressure sa harap ng papalapit na 2016 elections.
Nagsilbi si Lina bilang head ng BOC noong panahon ng administrasyon ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ngunit nagbitiw, kasama ang siyam na iba pang matataas na opisyal ng gobyerno sa kasagsagan ng “Hello Garci” scandal. Sila ay tinawag na “Hyatt 10,” matapos nilang ihayag ang pagbibitiw sa puwesto sa Hyatt Regency Hotel sa Manila.
Kabilang si Finance Secretary Cesar V. Purisima sa mga miyembro ng “Hyatt 10.”
Sa kasalukuyan, si Lina ang chair ng Lina Group of Companies at team owner ng AIR21 Express, isa sa mga team sa Philippine Basketball Association (PBA).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending