Mga tiket para sa laban nina Pacquiao at Mayweather inilabas na | Bandera

Mga tiket para sa laban nina Pacquiao at Mayweather inilabas na

- April 23, 2015 - 03:58 PM

Mayweather-Pacquiao

Mayweather-Pacquiao

Opisyal nang makakabili ng mga tiket para sa laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. matapos magkasundo ang magkabilang kampo kaugnay ng isyu hinggil sa mga tiket at hindi pirmadong kontrata.
Tumulong sina CBS Corporation CEO Leslie Moonves at Sen. Harry Reid (Democrat-Nevada) para maayos ang isyu sa pagitan ng Top Rank, Mayweather Promotions at MGM Grand.
Sa isang ulat mula sa Yahoo! Sports, sinabi ni Kevin Iole na naayos na ang isyu sa tiket, alokasyon sa mga kuwarto at iba pang isyu, dahilan para mapirmahan na ang kontrata.

“We resolved all of the issues and now we’re waiting for the paperwork,” sabi ni Arum sa report. “I said on the call that if what we agreed upon is in the paperwork we receive, we will sign it and the tickets will be released.”

Nakipag-usap si Arum kay Iole bago ang pirmahan ng kontrata.

Nakipagpulong si Top Rank President Todd duBoef kina Moonves at Mayweather adviser Al Haymon para talakayin ang kontrata.

Ipinost ni Iole ang detalye kaugnay ng pagbebenta ng mga tiket.
Nagkahahalaga ang tiket para sa laban ng $10,000, $7,500, $5,000, $3,500, $2,500 at $1,500.

Hindi naman ibibenta sa publiko ang $10,000 halaga ng tiket.
Magsisimula ang pagbebenta ng tiket ganap na alas-3 ng hapon ng Huwebes.

Maaaring mabili ang tiket sa mgmgrand.com, ticketmaster.com o sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-745-300. Limitado naman sa apat na tiket ang mabibili ng kada isang tao.

Magsisimula ang pagbebenta ng tiket para sa closed circuit, na ipapakita lamang sa sa loob ng MGM sa Las Vegas ganap na alas-6 ng gabi sa Huwebes.

Aabot sa 35,000 hanggang 50,000 ang upuan sa closed circuit sa Las Vegas, kung saan 500 lamang ang ibebenta sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending