Grace Poe di lang pang presidential, top choice din sa VP - SWS | Bandera

Grace Poe di lang pang presidential, top choice din sa VP – SWS

Leifbilly Begas - April 23, 2015 - 02:16 PM

HINDI lang pangpresidential si Senador Grace Poe kundi pang vice presidential rin. Ayon sa Social Weather Station, kung ngayon gagawin ang halalan, si Poe ang  mananalo sa pagka-bise presidente. Sa survey na ginawa ng SWS noong Marso, tinanong ang 1,200 respondents kung sino ang iboboto nilang bise presidente kung ngayon gaganapin ang ang eleksyon. Si Poe ay nakakuha ng 26 porsyento at sinundan si Interior and Local Government Sec. Mar Roxas na nakakuha ng 12 porsyento. Pangatlo naman si Binay na maaari pang tumakbo para sa isa pang termino bilang ikalawang pangulo. Si Sen. Francis Escudero na nakapagtala ng anim na porsyento ay nasa ika-apat na pwesto. Si Escudero ang itinatambal kay Poe. Sumunod naman sina Sen. Miriam Defensor Santiago (5 porsyento), Davao City Mayor Rodrigo Duterte (4), Sen. Ferdinand Bongbong Marcos (3), Sen. Alan Peter Cayetano (3), Manila Mayor Joseph Estrada (3), Sen. Antonio Trillanes (3), Sen. Loren Legarda (1.7), dating Sen. Panfilo Lacson (1.6), dating Sen. Manny Villar (0.6), Sen. Jinggoy Estrada (0.6), at Batangas Gov. Vilma Santos (0.6). Sa survey para sa pagkapangulo, tinanong ang mga respondents ng tatlong tao na dapat maging kapalit ni Pangulong Aquino. Nanguna si Binay na nakakuha ng 36 porysento na sinundan naman ni Poe na may 31 porsyento. Bumaba ng isang porsyento si Binay samantalang si Poe ay tumaas ng 10 porsyento kumpara sa survey noong Disyembre. Sumunod naman si Roxas (15), Duterte (15), Santiago (11), Mayor Estrada (11), Escudero (8), Marcos (7), Cayetano (4), Villar (3), Trillanes (3), at tig-isang porsyento sina Lacson, Legarda, Sarangani Rep. Manny Pacquiao, Sen. Ramon Bong Revilla Jr., at Senate President Franklin Drilon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending