Horoscope, April 23, 2015 | Bandera

Horoscope, April 23, 2015

Madam Sophia |April 23,2015
facebook
share this

Horoscope, April 23, 2015

Madam Sophia - April 23, 2015 - 01:32 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Basta’t laging optimista ang takbo ng isipan, hindi ka mabibigo. Kapag laging maganda ang iniisip lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag pag isipan ng masama ang kasuyo upang lalong uminit ang relasyon. Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 42 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Dosya-Om”. Purple at silver ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Pag-ibayuhin pa ang sigasig, hndi na mapipigilan pa ang pagyaman. Sa pag-ibig, alalahaning lagi na kaya ka nagpapakahirap at napapayaman, para sa iyong kasuyo at sa iyong pamilya. Sa ganyang paraan, mas magiging maligaya. Mapalad ang 3, 9, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Yophiel.” Gray at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Tama ang iniisip mong paglalakbay, sapagakt kapag bigo ka sa sinilangan mong bayan, sa ibang lugar ka tiyak na magtatagumpay, lalo na sa pinansyal at sa pag-ibig. Mapalad ang 6, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nakiel-Kedemel-Hagiel.” Yellow at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sundin ang sinasabi ng puso, sa ganyang paraan mas madali kang uunlad at magiging maligaya. Sa pinansyal, wag gamitin ang isip upang mas madali kang yumaman – bukod sa damdamin, intuition ang pairalin. Mapalad ang 5, 14, 25, 29, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Halka-Tetra-Om.” Green at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi dapat makipagtalo para lang makuha ang iyong gusto. Sa pamamagitan ng diplomasya, mas malaking halaga ang kikitain. Sa pag-ibig, sa pamamagitan ng lambing, mapapa-Oo mo na rin ang kasuyo sa iyong kagustuhan. Mapalad ang 1, 4, 19, 28, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum-Om-Obre.” Orange at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Kung hindi matutuong mag ipon, mawawalang mabilis ang hawak na salapi! Tama ang matagal mo nang iniisip, “kaya ring bilin ng salapi ang pag-ibig”, kaya magpakayaman ka na ngayon. Mapalad ang 4, 19, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Adhenan-Om.” Yellow at magenta ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Suwerte sa kaibigang mabilis maglakad at pangit ang sulat kamay! Siya ang hanapin upang umangat ng husto ang kabuhayan. Sa pag-ibig, bukod sa mabilis maglakad at pangit ang sulat matatagpuan mo ang true love sa medyo maliit na pandak. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Terta-Malka-Om.” Blue at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Venus ang planeta ng Libra, upang mag-ibayo ang magandang kapalaran kailangang lagi kang “in love”. Sa pamamagitan ng pag-ibig lalago ang kabuhayan at sa pamamagitan ng pagmamahalan, lalong magiging happy ang tahanan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kedemel-Om-Hagiel.” Red at orange ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Ang Scorpio ay may elementong tubig at planetang Moon, kaya habang bumibilog ang buwan maraming suwerte ang darating. Sa pag-ibig, mas lalong iinit ang romansa kasabay nito, tuloy-tuloy na madadagdagan ang salapi. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Devah-Om.” Red at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Isang kaibigan ang lalapit upang humingi ng tulong. Hindi mo siya dapat pautangin, dahil dati ka nya ng hindi binayaran. Higit na mas masarap gastahin ang salapi kung ito ay iuukol sa minamahal. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Migeta-Om.” Gray at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa simpleng buhay higit kang mas magiging maligaya. Tandaang maraming kumplikadong bagay ang mangyayari kapag sobrang yaman. Sa pag-ibig ay ganon din, iwasang sumuong sa mga kumplikadong relasyon upang hindi ka mamroblema. Mapalad ang 5, 8, 28, 37, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Hare-Rama-Om.” Silver at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pinansyal, sa pamomolitika ka magkakamal ng maraming salapi. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Gemini upang habang buhay ng lumigaya. Mapalad ang 1, 13, 22, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Bejaa-Om.” Yellow at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ipagpatuloy ang nasimulan! Basta’t tuloy-tuloy lang ang ginagawang pagsisikap, magsisimula ka ng yumaman. Sa pag-ibig, mag-joint force kayo ng kasuyo upang lalo pang mapaunlad ng kabuhayan, hindi puwede sa Pisces ang nagiisa lang. Mapalad ang 2, 7, 19, 25, 28, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Rama-Om.” Green at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending