Patrick Meneses diring-diri kay Ara, ayaw nang umuwi ng bahay | Bandera

Patrick Meneses diring-diri kay Ara, ayaw nang umuwi ng bahay

Jobert Sucaldito |April 23,2015
facebook
share this

Patrick Meneses diring-diri kay Ara, ayaw nang umuwi ng bahay

Jobert Sucaldito - April 23, 2015 - 02:00 AM

ara mina

A FEW days ago ay may ilang mga pasaring daw si Mayor Patrick Meneses patungkol sa nakahiwalay niyang live-in partner na si Ara Mina who just gave birth to their lovechild recently.

Sari-saring reaksiyon ang narinig namin from different personalities – in and out of showbiz, about those “pasarings”.”Para naman siyang baklita sa sinabi niyang mas gusto pa raw niyang magpuyat kaysa maagang umuwi sa bahay nila ni Ara noong nagsasama pa sila.

Ano ang ibig niyang sabihin? Na diring-diri siya kay Ara? “Kasi nga, di ba, matagal nang natsismis iyang si Patrick sa isa pang mayor noon – you know. Panahon pa ni Aiko Melendez nang maging isyu ang special friendship ni Mayor Patrick with another mayor, di ba?” anang isang nakausap namin.

“Ang lalaki ay mainit talaga sa babae iyan. Pag tunay kang lalaki, ha. Lalo pa’t syota mo ay kasing-sexy ni Ara Mina, sikat at maganda ng katawan.

Unless, playboy ang lalaki na hindi kuntento kahit may Ara Mina na – kung may ibang babae ito, maiintindihan ko pa siya.
“Pero para iwasan ang dyowa mo kapalit ng iyong male friends, that makes you questionable para sa aming mga lalaki.

Baka pang-front lang niya si Ara pero iba talaga ang trip niya sa tunay na buhay,” tanong ng isang kausap naming singer.
Marami pa rin ang nahihiwagahan sa biglang paghihiwalay nina Ara at Mayor Patrick.

Someone mentioned something naman kung bakit daw tinabangan si Patrick kay Ara. “Ang dami raw kasing utang ni Ara na si Patrick ang nagbabayad.

Kaya hindi ito puwedeng ilabas sa public kasi nga baka masilipan naman si Patrick ng constituents niya. Baka iisiping pera ng Bulacan ang ipinambabayad ni Patrick sa mga atraso ni Ara.

Kaya mas gusto na lang niyang manahimik para wala na lang isyu,” anang isang source. “Pero hindi naman pananahimik ginagawa ni Patrick, hindi nga siya tahasang nagsasalita pero nakakarating naman ito through some of his friends.

Na ganoon nga ang sinasabi niya against Ara. “May blind item pa ngang lumabas na sabi ay mas nanaisin pa ni Patrick na maglaro ng Candy Crush kaysa umuwi kay Ara.

Halata namang sila yung nasa blind item, eh. Obvious kasi sa mga clue. Ha-hahaha! “Imagine, kung tunay na lalaki itong Mayor Patrick, ipagpapalit mo ba ang sexy peks sa Candy Crush.

Anong klaseng lalaki siya kung ganu’n?” sabi pa ng isang mataray na nag-react sa issue. Wait lang, ano bang gusto ninyong tumbukin – that Patrick is gay? Wow! Parang confirmed niyo naman kung magsalita kayo.

At halimbawa lang, for the sake of argument, that he is gay – what’s wrong with it?  Being gay is so much fun. Being gay is beautiful kaya. Masaya kaming mga beki kaya wala kaming regrets, ‘no! Tsaka, pag gay ba ay hindi na puwedeng magkaanak?

Gusto rin namin ng baby para pagdating ng araw ay may mag-alaga at magmahal naman sa amin. Kung paano magkaanak – kung via adoption or talagang biological way or ala-Joel Cruz na artificial insemination, bahala na, basta magkaanak lang, di ba??

At kung gay man halimbawa si Mayor Patrick, anong problema roon? For as long as na maligaya siya at wala naman siyang inaapakang ibang tao, go ahead. Pero sa ngayon, mahirap mag-speculate dahil wala pa tayong naririnig mula kay Mayor Patrick.

Hanggang ngayon kasi ay puro sabi-sabi lang din ang naglalabasan. Wala pa talagang nagsasalita sa kanila ni Ara para ibandera kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wait na lang tayo kung kailan magsasalita ang dating lovers tungkol sa tunay na reason ng kanilang break-up. Basta ang mahalaga rito ay may baby na sila – and for Ara, that’s so much blessings. Napatunayan niyang she can be a mom – the essence of being a woman. That’s priceless!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending