Foton palaban pa rin sa PSL semis berth | Bandera

Foton palaban pa rin sa PSL semis berth

Mike Lee - April 21, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro sa Huwebes
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Cignal vs
Mane ‘N Tail
6:15 p.m. Foton vs Shopinas

PINATATAG pa ng Foton ang paghahabol para sa ikalawang awtomatikong puwesto sa semifinals nang pabagsakin ang Cignal, 25-23, 25-15, 25-15, sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Dinurog ng Tornadoes ang HD Lady Spikers sa attack points, 43-25, para kunin ang ikalimang panalo matapos ang siyam na laro sa ligang inorganisa ng SportsCore katuwang ang Asics, Mikasa, Senoh, Muller Sports Medicine, Via Mare, LGR at Healthway Medical.

Huling laro ng Foton ay ang Shopinas sa Huwebes na magdedetermina kung sino sa dalawa ang makakasama ng Petron sa semifinals. Ang Petron (9-0) at Shopinas (5-3) ay naglalaro pa habang isinusulat ang balitang ito.

“Everybody wants to be in the top spot dahil diretso na ito sa semifinals. So our battlecry is huwag na pumunta sa Quezon,” wika ni Foton coach Villet Ponce-de Leon.

Sa Sabado ang knockout quarterfinals para sa nalalabing apat na koponan na gagawin sa Quezon Convention Center. Si Pamela Lastimosa ay mayroong 17 puntos at 10 digs habang sina Patty Orendain at Nicole Tiamzon ay naghatid pa ng tig-13 puntos upang ipalasap sa Cignal ang ikawalong kabiguan laban sa isang panalo.

Tinalo ng Philips Gold ang Mane ‘N Tail, 25-21, 25-20, 25-20, sa unang laro para tapusin ang 10-game classification round bitbit ang 5-5 baraha.

May 12 at 10 puntos sina Rossan Fajardo at Myla Pablo upang maibangon din ang koponan mula sa five sets pagkatalo sa Foton noong Sabado sa Biñan City, Laguna.

Sina Michelle Gumabao at Lutgarda Malaluan ay nag-ambag naman ng siyam at walong puntos para sa Lady Slammers.
Itinala naman ni Iris Tolenada ang 28 sa 30 excellent sets ng Philips Gold.

“Our fate is no longer in our hands,” sabi ni Philips Gold coach Francis Vicente. “That’s why I tell the girls to give everything they’ve got. This is a crucial game.

We need to win by an impressive margin to improve our points in the ranking and have an outside chance of making the semis.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending