Mga dwende sa Inday Bote patok sa mga bagets | Bandera

Mga dwende sa Inday Bote patok sa mga bagets

Ervin Santiago - April 21, 2015 - 02:00 AM

alex gonzaga

Patuloy na nagpapasaya at nagbibigay inspirasyon sa mga manonood ang Primetime Bida fantaserye na Inday Bote sa pangunguna nina Alex Gonzaga, Kean Cipriano at Matteo Guidicelli.

Patok na patok sa mga bagets (pati na rin sa mga dating bagets) ang kuwento ng Inday Bote kung saan gabi-gabi ngang nagpapaligaya sa madlang pipol.

As in talagang inaabangan ng mga bata ang mga eksena ni Alex kasama ang mga kaibigang dwende na ginagampanan nga nina Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Nanding Josef at Alonzo Muhlach.

Nakakaloka rin ang pagiging kontrabida ni Aiko Melendez bilang si Fiona Vargas-Navarro sa buhay ni Inday, talagang gagawin nito ang lahat para sa kapangyarihan at sa kayamanan.

Hindi rin siya titigil hangga’t hindi nawawala sa landas niya si Inday. Ngayong linggo, asahan pa ang mas nakakabaliw at mas nakaka-excite na mga eksena sa Inday Bote, lalo na ang mamumuong pag-iibigan nina Kristal (Alex) at Greg (Matteo) at kung paanong magugulo ang kanilang relasyon dahil kay Jerome (Kean).

Napapanood pa rin ang Inday Bote gabi-gabi sa Primetime Bida bago mag-TV Patrol sa direksiyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending