PH humakot ng award sa 48th Houston Int’l Film Fest
KINILALA ang galing ng Pilipinas sa kalilipas lamang na 48th WorldFest-Houston International Film Festival sa Texas, United States matapos tanghaling bilang pinakamagaling na foreign film ang drama-comedy ni Jeffrey Jeturian na “Ekstra”.
Bukod sa Best Foreign Feature Film, nakakuha rin ang “Ekstra” na pinagbidahan ng award-winning actress na si Vilma Santos, ng platinum Remi award para sa kategoryang comedy.
Tinanghal din bilang “Best Rising Star” ang teen actor ng GMA na si Jake Vargas dahil sa pelikulang “Asintado” na nakakuha rin ng gold Remi award.
Sa mas “mature theme” category, nakapag-uwi rin ng gold Remi ang pelikula ni Joel Lamangan na “Kamkam” . Kaparehong award din ang nakuha ni Perci Intalan para sa pelikulang “Dementia” sa hanay naman ng horror/fantasy.
Nasa ika-48 taon na ang nasabing film festival na nagbibigay-pugay at rekognisyon sa iba’t-ibang uri ng independent films at filmmaking.
Ngayong taon, 51 pelikula ang napasama mula sa 500 entries na galing mula sa iba’t-ibang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.