Hamon ni Pacman: Makipagsabayan ka | Bandera

Hamon ni Pacman: Makipagsabayan ka

Mike Lee - April 17, 2015 - 12:00 AM

NAGBITAW ng mga mapanirang salita si Floyd Mayweather Jr. laban kay Manny Pacquiao noong isang araw sa kanyang open media workout session sa Las Vegas.

Kahapon sa media day naman ni Pacquiao sa Los Angeles ay sinagot ito ng Pambansang Kamao.

Hamon ni Pacquiao na makipagsabayan ng suntok si Mayweather sa kanilang sagupaan sa Mayo 3.

“If he does that, that’s good for me. I like that. We’ll see,” wika ni Pacquiao sa mga mamamahayag na dumalo sa kanyang media workout.

Binalewala rin ni Pacman ang sinabi ni Mayweather na isa siyang ‘reckless boxer’ dahil ipinagmamalaki niya na ang ganitong istilo ang siyang nais ng mga boxing fans at handa niyang ipakita ito sa kanilang laban.

Limang taon na ang nakalipas nang unang pag-usapan na pagtapatin ang dalawang tinitingalang boksingero sa kapanahunang ito pero hindi nagrereklamo si Pacquiao bagkus ay nasisiyahan pa siya na ngayon ito magaganap dahil maraming tao ang interesado na malaman kung sino ang tunay na mas mahusay sa kanilang dalawa.

Wala ring problema kung determinasyon ang pag-uusapan dahil naipakita na ni Pacquiao ang kanyang masidhing hangarin na sagupain si Mayweather nang pumayag siya sa lahat ng kagustuhan ng walang talong katunggali.

“I feel very motivated. The inspiration and determination is back and the killer instinct is there. I love it, I like it,” wika pa ni Pacquiao.

Si Pacquiao ay may kartadang 57 panalo, limang talo, dalawang draw at 38 KO wins habang si Mayweather naman ay hindi pa nabibigo sa 47 laban kung saan 26 dito ay tumapos sa knockout.

Nakataya sa laban ang mga welterweight title ng WBO, WBA at WBC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending