FLOYD DIDIKTAHAN ANG LABAN VS PACMAN | Bandera

FLOYD DIDIKTAHAN ANG LABAN VS PACMAN

Mike Lee - , April 14, 2015 - 12:00 PM

NAKIKITA ni Floyd Mayweather Jr. ang sarili na siyang nagdidikta ng pace sa mega-fight nila ni Manny Pacquiao sa Mayo 2 (May 3, PH time).

“I think my focus is always being in control and dictating the pace,” wika ni Mayweather sa mlive.com.

Inaasahan ng mga panatiko sa boxing na mapapahirapan si Mayweather ng mga mala-rapidong suntok na bibitiwan ni Pacman sa araw na labanan.

Ang walang patid na mga suntok ang naipakita ni Pacquiao noong umani siya ng kumbinsidong panalo laban sa dating walang talong si Chris Algieri.

Ngunit para sa pound-for-pound king, ordinaryo lamang ito sa kanya dahil ito rin ang pilit na ginawa ng 47 na naunang nakalaban.

“You’ve got guys who throw a lot of punches, I think that everyone game-plans to throw a lot of punches. It hasn’t worked so far,” banggit ng boksingerong may 47-0 marka.

Magkaganunman ay tinadtad ng mga kaliweteng sparmates si Mayweather para na rin mapaghandaan ang pagkilos na ginagawa ni Pacquiao.

Dalawa rito na sina DeMarcus Corley at Zab Judah ay mga nakalaban niya pero ngayon ay tumutulong sa kanyang paghahanda para sa pinakamalaking laban sa kapanahunang ito.

Kung tunay nga na napaghandaan ni Mayweather ang mga sunud-sunod na suntok ni Pacman ay malalaman sa gabi ng laban.

Samantala, wala namang duda sa isip ni Pacquiao na magtatagumpay siya sa laban nila ni Mayweather sa Las Vegas.

Nang tanungin kung ano ang mangyayari sa laban nila para sa unified world welterweight crown, sinabi ni Pacquiao na siya ang magiging kampeon.

Naging bisita sa harap ng punum-punong kongregasyon sa Shepherd of the Hills Church sa Los Angeles, sinabi pa ni Pacquiao na nais niyang gamitin ang Fight of the Century bilang instrumento para maluwalhati ang pangalan ng Panginoon.

At magagawa lamang ito ni Pacquiao kung mababahiran niya ng talo ang malinis na kartada si Mayweather sa 12-round engkwentro sa MGM Grand Garden Arena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sikat na sa loob at labas ng boxing ring, hangad ni Pacquiao na magamit ang ring bilang plataporma para makahatak ng marami pang tao na makasama sa kanyang espirituwal na paglalakbay para mapalapit sa Diyos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending