2 bading na nag-alaga noon kay Pacman masama ang loob
MARAMI ang excited sa nalalapit na sagupaan sa boxing ring nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao and Floyd Mayweather na balitang nagkakaiiringan na ngayon pa lang.
Siyempre, halos lahat ng Pinoy ay nakapusta para sa sariling atin, di ba? Meron mang pumupusta sa kalaban pero mas lamang talaga ang kamping Pinoy kay Pacman. Iba kasi ang feeling pag naiuuwi ni Pacquiao ang korona, di ba?
Pero merong ilang mga kakilala namin ang may panawagan kay Pacman at sa buong pamilya nito na tila sobra na raw ang pagbabago sa kanilang mga pagkatao.
Mukhang na-overwhelm na raw sila (Manny, Jinkee and Mommy Dionesia) sa tinatamasa nilang tagumpay at kayamanan. Sana raw ay mapanatili nila ang humility in their hearts kahit nakahiga na sila sa golden bed.
“Si Jinkee ay parang hindi na marunong lumingon. Nagka-stiff neck na yata. Parang wala nang kilala – parang feeling niya ay dapat Hollywood star ka para kausapin ka niya.
Hindi naman kami naiinggit sa kayamanan nila, ‘no! Hindi naman nila madadala iyan sa kabilang buhay,” ang medyo may hinanakit na sambit ng isang kaibigan.
“Si Mommy D naman ay lalong um-OA. Lahat ng gimik alam. Sometimes hindi na siya nakakatuwa, parang di na nagpapagalang. Minsan parang ginagawa na lang niyang laro ang paghawak ng rosaryo.
Parang show na lang for her.”Ewan ko ba sa nanay nilang iyan, kakaibang character. Sometimes she looks and sounds cute pero most of the time ay ka-cheapan na.
Lalo na kapag pinag-uusapan na ang boyfriend niyang bagets. Eiwwww!” say naman ng isang kakilala. “Si Pacman naman ay mukhang mabait pa rin. Iyon nga lang, may ilang old friends ito na tila nakalimutan na niya.
May dalawang bading sa Sampaloc ang gusto siyang kumustahin – isang beautician na nag-alaga sa kaniya when he was just starting noon. Kulang na lang ay ibenta niya ang gunting niya para lamang may pamasahe ito sa kaniyang mga training.
“The old gay tried to get in touch with him pero deadma siya. Yung isang gay friend naman dati niya ay gusto siyang lapitan dahil may sakit. Pero to no avail din.
Pero kung magpa-press release sila sa pagiging matulungin niya ay abot-langit pero itong mga taong naghirap sa kaniya nu’ng nagsisimula pa lang siya ay kinalimutan niya.
Hay naku,” anangisang baklitang reporter na kaibigan ng dalawang badingding.Well, times really change and so are we. Pero wait lang naman, huwag muna nating husgahan agad si Manny Pacquiao, baka lang merong dahilan kung bakit deadma siya sa dalawang badingding na ito.
Malay natin, kasama sa dark past niya ang panahong iyon kaya in-edit niya sa kaniyang talambuhay. Baka meron siyang di-magandang karanasan sa kanila noon. We don’t know.
Hayaan ninyo, once na makadaupang-palad ko si Manny, I will whisper to him these things. Baka makinig naman iyan in a way. Kasi, sa pagkakilala namin sa kaniya, oks naman siya.
Ganoon lang ang buhay – may mga bagay-bagay minsan na ayaw na nating alalahanin for us to be able to move up. Let’s wait and see soon, OK?
Huwag nang magsintir mga baklita. Wait lang kayo. Malay niyo, baka batuhan niya kayo ng happiness one day, di ba? And take note, hindi naman obligasyon ni Manny na tumulong sa atin – everything must be voluntary.
Hindi ipinagpipilitan iyan. After all, naging happy naman kayo nung panahong he stayed with you, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.