Pacman palalambutin sa suntok ni Floyd | Bandera

Pacman palalambutin sa suntok ni Floyd

Mike Lee - April 12, 2015 - 01:00 AM

manny pacman

PLANO ng kampo ni Floyd Mayweather Jr. na palambutin ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa pamamagitan ng mga matitinding body punches.

“We plan on doing great bodily harm. Definitely, some real damage,” wika ni Floyd Mayweather Sr., ang ama at trainer ng pound-for-pound king sa Fight hub.

Ipinagmalaki pa ng nakatatandang Mayweather na isang sparmate ang bumagsak nang tamaan ito ng matinding suntok sa katawan kaya’t isa ang body punches sa tinitingnan bukod sa matinding kanan para manalo ang kanilang kampo.

“To me it’s an easy fight. All the fight he fought with Marquez, all of them were close. Floyd beat the guy so easy. It’s crazy,” ani pa ni Mayweather.

Nakikita pa ng batikang trainer na kusang aayaw si Pacquiao kapag naramdaman na ang matinding epekto ng mga suntok ni Mayweather Jr.

“He’ll gonna get hit with some real good things. He might retreat and when I say retreat, he might take a knee and then say don’t want no more,” may kumpiyansang pahayag ng Mayweather Sr.

Naipakita ng walang talong boksingero matapos ang 47 laban ang magandang pangangatawan tatlong linggo bago pa ang pagsambulat ng pinakamalaking laban sa kapanahunang ito sa Mayo 3 nang tumitimbang na ito sa 150.5 pounds sa isinagawang WBC weight check.

Kahit pataas ng pataas ang kumpiyansa ng kampo ni Mayweather ay patuloy rin ang pagdikit ni Pacquiao kung sa betting odds ng dalawa ang pag-uusapan.

Mula sa +220, si Pacman ay nasa +170 na lamang at ibig sabihin ay ang mga mananalig sa kanya na mananalo sa laban ay magkakamit ng $160 dibidendo sa bawat $100 pusta.

Liyamado pa rin si Mayweather sa -210 at ang mga mananalig nito ay dapat maglabas ng $210 para manalo ng $100.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending