Dyowa ng 2 PBA player tsinugi sa Talkshow ng TV5; ipinalit si Mariel
PAPALITAN ni Mariel Rodriguez ang dalawa sa mga host ng morning show ng TV5 na Happy Wife, Happy Life. Out na sa programa ang dating hosts na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer.
Mananatili naman ang dalawa sa original hosts na sina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag. Sa unang format ng Happy Wife, Happy Life ay pawang karelasyon ng mga kilalang PBA players ang hosts ng show.
Of course, knows ng marami na si Danica is married to Marc Pingris of Purefoods team, hababg si LJ naman ay misis ng nagretirong PBA player na si Jimmy Alapag.
Si Jeck naman ay asawa ng Barako Bull player na si Rico at si RR ay girlfriend ni JayJay Helterbrand ng Ginebra.For whatever reason, ayaw sabihin ng source namin kung bakit inalis sina RR at Jeck sa show.
Bongga naman ni Mariel dahil dalawang hosts ang katumbas ng talent fee niya sa show, huh! Mukhang naka-recover na rin si Mariel sa masaklap na nangyari sa unang baby sana nila ni Robin Padilla.
At lahat naman ng friends and supporters ng mag-asawa ay nagdarasal para mabiyayaan muli sila ng anak. Sa pagpasok ni Mariel sa Happy Wife, Happy Life, muling palalakasin ng TV5 ang kanilang morning block na wala ang mga katapat nilang TV stations.
Mapapanood ang HWHL at 10 a.m. from Monday to Friday. Kasunod nito kapag Monday and Friday ang Healing Galing. Every Tuesday, Wednesday and Thursday naman ang Solve Na Solve nina Gelli de Belen at Arnel Ignacio.
Papasok naman at 11 a.m. ang bagong showbiz talk show nina IC Mendoza, MJ Marfori at Bianca King na Showbiz Konek Na Konek everyday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.