Singil sa kuryente tataas ng .27/kWh ngayong Abril
Leifbilly Begas - Bandera April 08, 2015 - 03:23 PM
Tataas ng 27 sentimos kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company ngayong buwan.
Ayon sa Meralco sanhi ito ng pagtaas ng generation charge na umaabot sa 20 sentimos kada kWh. May pagtaas din na 0.08 kada kWh ang buwis at iba pang bayarin.
Ang pagtaas ay bunsod ng pagsasara ng Malampaya Natural Gas Facility para sa pagkukumpuni nito.
Sa paggamit ng natural gas gumagastos ng P5 sa paggawa ng isang kWh ng kuryente. Sa pagsasara nito, gumagamit ang mga planta ng diesel at liquid condensate kaya ang nagagawang 1kWh ay P7-P10 ang presyo.
Sa Abril 14 matatapos ang pagkumpuni sa Malampaya.
Nauna ng sinabi ng Meralco na magtataas sila ng presyo. Ang inisyal na estimate at .46 kada kWh.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending