LOVI tuluyan ng iniwan si SINGSON, sumama kay jake JAKE | Bandera

LOVI tuluyan ng iniwan si SINGSON, sumama kay jake JAKE

- June 05, 2012 - 03:38 PM


TINULDUKAN na talaga ni Lovi Poe ang relasyon nila ni Ronald Singson dahil ngayon ay malaya na siyang nakalalabas kasama si Jake Cuenca.

Nasulat namin dati sa BANDERA na hindi maamin-amin nina Jake at Lovi na nagde-date sila dahil nga may Ronald Singson pa on the side si Lovi, pero nakapag-usap na raw yata ang dalawa na hanggang magkaibigan na lang sila kaya ngayon ay hindi na itinatago nina Lovi at Jake ang kanilang “relasyon”.

Kinumpirma rin ito ng taong malapit kina Jake at Lovi na exclusively dating na nga sila, “Umamin naman sina Jake at Lovi na they’re dating at wala raw silang inaapakang tao, they’re both single.”

“Tinanong ko ang tungkol kay Ronald at sabi sa akin ni Lovi, talagang bumabalik daw sa kanya before, that was during her birthday, pero sabi raw niya, friends na lang talaga.

“Kasi mahirap din naman ‘yung nagdi-date sila ni Jake tapos may Ronald di ba, hindi rin maganda.Tapos si Jake umamin ding lumalabas nga sila at sa tingin ko, hindi pa naman sila officially kasi si Jake pag girlfriend na niya, iba na ‘yan as in.

As of now, naka-focus naman pa siya sa work,” kuwento pa sa amin.

Kaya pala ganado ngayon si Jake magtrabaho dahil ang ganda ng inspirasyon niya bukod pa sa maganda rin ang feedback ng mga tao sa serye nilang Kung Ako’y Iiwan Mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending