Ara umaming may pinagdaraanan sila ni Patrick Meneses | Bandera

Ara umaming may pinagdaraanan sila ni Patrick Meneses

Julie Bonifacio - April 07, 2015 - 07:32 PM

ara mina

NAPADAAN kami sa taping ng Kapamilya Deal or No Deal kung saan isa sa celebrity players ang controversial sexy actress na si Ara Mina. In fairness, bumati naman siya sa amin sa kabila nang sumabog na balita tungkol sa hiwalayan nila diumano ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrcik Meneses.

But she had to rush para kumain sandali dahil need niyang makabalik agad after ng ilang minute na dinner break. Kaya hindi na namin siya kinulit tanungin about the issue.

Although, binanggit namin sa kanya ang kumalat na balitang hiwalay na sila ni Mayor Patrick. Ayaw naming isipin na sadya siyang umiwas na magsalita sa amin about the hiwalayan sa pagmamadali niya para makakain.

Habang kausap namin si Ara pansin agad ang “kawalan ng buhay” ng kanyang mukha.  Malungkot ang mga mata, walang tamis ang kanyang mga ngiti at maputla ang pisngi.

Until the next day, nakausap namin ang publicist ni Ara at kasamahan din sa panulat na si Pilar Mateo. Kinabukasan na raw ng hapon sumagot si Ara sa mga text messages niya asking kung ano baa ng real score sa kanila ni Mayor Patrick.

Hindi naman nagdamot si Mareng Pilar at ishinare niya sa amin ang mainit-init pa na official statement na ipinadala sa kanya ni Ara. At ‘yun naman ang ibabahagi naming sa inyo. Narito ang official statement ni Ara sa isyung hiwalayan nila ni Mayor Patrick. “Para sa mga kaibigan at tagasuporta namin ni Pat, maraming salamat sa inyong concern. Ang aming pinagdadaanan sa ngayon ay bagay na hindi lamang sa amin nangyayari as a couple. “Ito ay isang pagsubok na nararanansan ng mga taong nagmamahal at nasa isang relasyon. Kung anuman itong pagsubok na aming hinaharap sa ngayon, naniniwala akong malalampasan namin ito.  “Hinihiling ko po ang inyong malalim na pang-unawa at dasal alang-alang sa aming anak. Maraming salamat po.” Kasabay nang ipinadalang statement ni Ara, kasalukuyan daw nasa Hongkong si Mayor Patrick.  At diumano, kasama raw sa Hongkong ng alkalde ang kaibigan niya at Mayor din ng Bulacan na si Enrico Roque.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending