‘JOHN PRATS magpakalalaki ka naman!’ | Bandera

‘JOHN PRATS magpakalalaki ka naman!’

|June 05,2012
facebook
share this

‘JOHN PRATS magpakalalaki ka naman!’

- June 05, 2012 - 03:16 PM

Inis na inis na kaya hamon ng mga tagapagtanggol ni Bianca Manalo

SIGAW ng mga sumusuporta sa beauty queen turned actress na si Bianca Manalo – magpakalalaki naman daw si John Prats.

Sana raw ay magsalita na ito tungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay nila ni Bianca.

Aminin na raw nito na siya ang may problema at may kakulangan kaya lagi na lang nauuwi sa hiwalayan ang kanyang pakikipagrelasyon.

Una na nga diyan ay si Shaina Magdayao, pagkatapos ay si Rachelle Ann Go at ngayon naman ay si Bianca.

Sinasabing sa lahat ng naging relasyon ni John  ay laging siya ang nakikipaghiwalay.

Sabi nga ng isang nakausap namin, “Ibig sabihin ‘yung tatlong naging girlfriend niya, lahat sila ang may kasalanan?

Lahat sila ang may kakulangan? Bakit perfect ba si John Prats? Imagine, siya lagi ang nakikipag-break? Baka naman kapag nagsawa na siya, basta na lang niyang itatapon ang mga babae?”

At hanggang hindi nagsasalita si John Prats tungkol sa tunay na rason ng kanyang pakikipaghiwalay kay Bianca, asahan niya na marami pang lalabas ng mga chika laban sa kanya.

Kaya sana huwag siyang magwawala kung masyado na siyang minamaliit ng ibang tao dahil kasalanan din niya ‘yan.

Marami na rin kasi ang nadadamay sa issue, nandyang sisihin ang kapatid ni John na si Camille Prats.

Nagkaroon daw kasi ng matinding away sina Camille at Bianca, at siyempre sino ang kakampihan ni John kundi ang kanyang ate?

May nagsasabi naman na sobrang pinagselosan ni Bianca si Angelica Panganiban dahil sobrang close nga sila ni Pratty.

Hindi rin daw boto ang pamilya ni John kay Bianca dahil hindi nila gusto ang ugali nito.

At ang naging matinding dahilan daw kaya nag-decide na si John na kalasan si Bianca ay matapos siya nitong dakdakan at ipahiya sa isang restaurant kung saan sila nagkaroon ng pagtatalo.

May nagbanggit din sa amin na talaga raw nag-try si Bianca na ayusin ang relasyon nila ni John, as in halos magmakaawa na nga raw ito sa actor-TV host para magkabalikan sila, pero dedma na raw si Pratty!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naku, John, magsalita ka na nga para matigil na ang mga tsismosang ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending