Chemistry nina Toni at Coco nasubukan sa You're My Boss | Bandera

Chemistry nina Toni at Coco nasubukan sa You’re My Boss

Bella Cariaso - April 05, 2015 - 08:13 PM

your my boss

SA You’re My Boss, gumaganap si Toni Gonzaga bilang si Georgina, isang airline executive at si Coco Martin naman bilang Pong, ang assistant ng kanilang boss.

Sa pelikula, ipinagkatiwala ng kanilang boss ang pamamamahala ng kumpanya kay Georgina dahil mawawala ito pansamantala. Naiwan naman sa kanya bilang assistant si Pong.

Isang malaking proyekto naman ang naiwan kay Georgina ay iyon ay makuha ang kontrata sa isang Japanese investor.
Napilitan namang magpalit ng kanilang posisyon sina Georgina at Pong nang sabihin ng Japanese na makikipag-usap lamang siya sa lalaking boss.

Dito na napilitan si Georgina na ipakilala si Pong bilang boss ng kumpanya. Umiikot ang pelikula kung paano kumbinsihin ang Japanese investor na mag-invest sa airline company.

Napilitan din si Georgina na sundin ang gusto ni Pong na nagpapanggap na kanyang boss para lamang matuloy ang negosasyon sa pagitan ng Japanese investor at ng kanilang airline company.

Dahil kilalang magaling sa comedy si Toni Gonzaga, nagawa naman niyang hawaan si Coco sa pagiging komedyante.
Kung gusto mo rin lang tumawa at maaliw, hindi naman nabigo ang pelikula sa pagpapatawa.

May kasamang kilig din ang tambalan nina Toni at Coco. Bukod sa chemistry ng dalawa sa pagpapatawa, nagawa rin ng dalawa na pakiligin ang mga manonood.

Bagamat nagtagumpay naman ang direktor nito na si Antoinette Jadaone na mapakita ang chemistry nina Toni at Coco sa pagpapatawa, may pagkakataon namang halatang ginaya lamang ang ilang eksena sa pelikula.

Kagaya na lamang ng eksena sa elevator kung saan naghahalikan sina Toni at Coco habang bumubukas ang elevator. Hindi ba’t ilang beses ng ginamit ang eksenang sa lokal man at mga banyagang pelikula?

Dahil nga 18 araw lamang ang ginugol para tapusin ang pelikula, tila hindi na pinag-isipan kung paano tatapusin ang pelikula.
Sa huling bahagi ng pelikula, naging boring naman ang mga eksena kung saan kinailangang magdrama ni Toni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibig sabihin, mas epektibo talaga siya sa comedy, bagamat kilala naman si Coco sa drama. Sa pangkalahatan, kung gusto mong tumawa, maaliw at kiligin, hindi naman mabibigo ang mga manonood sa pelikulang You’re My Boss.

Ipinakita rin dito ang napakagandang tanawin sa Batanes. Hindi kataka-takang makumbinsi ang mga manonood na bumisita sa Batanes dahil na rin sa ginawang pagpo-promote ng lugar sa pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending