Paglipat ni Regine sa ABS naharang, ginawang judge sa Starstruck
Hindi pa man ay kontrobersiyal na ang kilig serye nina Gabbi Garcia and Ruru Madrid.
Magsisimula na this month ang airing ng Let The Love Begin sa GMA Telebabad pero tila maraming controversy ang launching soap ng dalawa. Nag-backout na raw si Regine Velasquez sa nasabing soap.
Support lang daw kasi ito, bagay na inalmahan ng sanrekwa niyang fans. Bakit nga naman gagawing major support si Regine sa mga upstarts na hindi naman yata sisikat.
Ang isa pang chika, maging si Ai Ai delas Alas ay ayaw yata ang role na natoka sa kanya bilang madir ng isa sa mga bagets. Ewan kung true ang nasulat na pinapapalitan niya ang script.
Parang hindi naman siguro carry ni Ai Ai na mag-inarte. Anyway, ang latest chika, hindi na raw pipirma si Ai Ai sa Siyete. Ewan kung bakit.
Si Regine naman, hindi na rin daw lilipat sa Dos. Sa isang interview nito recently ay sinabi niyang kasama siya sa pagbabalik ng StarStruck sa ere. This time, isa siya sa judges.
Mas mabuti nga na nasa GMA na lang ang beauty ni Regine. Doon talaga siya bagay, doon talaga siya Reyna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.