Semana Santa 2015: ‘Nagsisisi na ako!’
SIGURADONG may kani-kanya na kayong mga plano kung paano gugunitain ang Semana Santa. Karamihan sa ating ay nagbabakasyon sa mga probinsiya para makalanghap naman ng sariwang hangin at malayo sa magulo, matrapik at maingay na Maynila.
Kung noong isang taon ay tinanon natin ang inyong favorite celebrities kung ano ang mga gusto nilang gawin sa Holy Week, ngayong taon, mas malalim at mas makabuluhan ang itinanong namin sa inyong mga idol.
Ang tanong: Kung meron kang isang bagay na gustong pagsisihan ngayong Semana Santa, ano ito at bakit? Narito ang naging sagot ng mga celebrities na matapang na umamin sa kanilang mga pagkakamali.
KRIS AQUINO: “Nothing, I’ve been good naman!”
RONNIE LIANG: I guess kung mayroon man ako pinagsisisihan is that, masyado akong mapagtiwala, dahil maraming nangyari sa akin na naloko ako ng ilang tao dahil masyado akong natiwala sa kanila. At sa bandang huli ko na lang nalaman. Mas masakit dahil sa mga taong hindi mo inaasahan mangyayari ‘yun.
YAM CONCEPCION: Kung mayroon man hindi ko iniisip ‘yung mga negative sa buhay. Naniniwala ako na we should always move forward. At kung anuman ang mga nangyari noon ay hindi ko pinagsisihan kundi ito ay dapat maging lesson to be a better Christian, daughter or son, friend, girlfriend or boyfriend, wife oe husband, etcetera. And basically as an individual, I can only move forward to be a better child of God.
SYLVIA SANCHEZ: Masyado akong naging mabait, eh. At hindi naman ako nakakalimot manalangin araw-araw. Siguro kung may pagsisihan man ako, ang pagiging masyado kong mabait, kasi maski na niloloko na ako ng ibang tao, nandidiyan pa rin ako sa kanila bilang kaibigan. Ano kasi ako, madaling magpatawad kapag may nagawang kasalanan sa akin, depende sa level.
Saka maski na sinisiraan na sa akin, hindi ako naniniwala hangga’t hindi sa akin ginagawa, e, kapag may ginawa na sa akin, doon ko palang iisipin kung dapat ko pa ring patawarin o kalimutan na ang nangyari para isalba ang pagkakaibigan.
Yun nga lang, kapag niloko mo ako o may ginawa ka sa akin, kuwidaw na kasi tapos na ang pagkakaibigan natin. Yun siguro ang pagsisihan ko, masyado akong mapagtiwala, nakikita ng ibang tao ang papel ko sa serye na bungangera, mataray, pero malambot ang puso ko, madali mo akong lapitan to the point na naaabuso na.
BETTINA CARLOS: Ang pagsuway sa magulang noong unang boyfriend ko. Gusto kong lumayas at magsolo dahil maraming apela ang magulang ko. Napaiyak ko sa sama ng loob si papa. Pero kahit hindi ako natuloy na lumayas (dshil hindi ko naman talaga kaya) pinagsisisihan kong nasaktan ang mga magulang ko.
MIGGY JIMENEZ: ‘Yung minsan na pagiging moody ako sa mga mahal ko sa buhay. Siguro ‘yun din ang pipiliting kong mabago kasi alam ko namang hindi rin maganda ang ganu’n.
BIANCA UMALI: Ang gusto kong pagsisihan ay minsan inuuna kong bilhin ‘yung mga bagay na gusto ko kaysa sa mga bagay na kailangan ko.
HANNAH PRECILLAS: Kung may bagay man na gusto kong pagsisihan this Holy Week ‘yun at ang pagiging matigas ng aking ulo. Minsan hindi ako nakikinig sa mga payo at utos ng nanay ko.
Sinusunod ko lamang kung ano ang gusto ko without listening to their advice though alam kong mali kaya isa ito sa mga bagay na gusto kong pagsisihan kasi alam naman natin na mali ito lalo na sa mga mata ng Diyos.
MICHAEL V. Parang wala naman. No regrets ako eh. I’m the type of person na pag lumipas, lumipas. Kapag nagkamali, humingi ng kapatawaran tapos mag-move on at wag nang ulitin ang pagkakamali.
JUANCHO TRIVINO: Yung pinagsisisihan ko, hindi ko masyadong nakakausap parents ko. Kunwari uuwi ako, they ask me kung anong nangyayari sa taping. Syempre gusto ko sanang i-share sa kanila pero wala na akong energy.
Tapos kapag gising na ako, tulog na sila. So yun yung pinagsisisihan ko, yung hindi ako masyado magkaroon ng time for them na makakwentuhan ko sila. Ini-ignore ko minsan yung mga texts nila kasi preoccupied ako sa mga things.
ARNY ROSS: Siguro yung mga pagkukulang ko kay Lord. Kulang na ako sa time makipag-usap sa kanya, kulang na ko sa time mag-visit sa Church. Parang may mga bagay akong mas inuuna.
Kailangan ko talaga humingi ng forgiveness sa Church and of course, kay Lord. Saka gusto kong bumawi this Holy Week. Gusto ko lang this Holy Week mag me time, makipag-usap sa kanya, mag-pray.
Gusto ko lang pumunta sa isang tahimik na lugar with my family. Ayun, gusto ko lang magnilay this Holy Week.
JAN MANUAL: Yung mga times na nagrebelde ako kay God. Yung mga bagay alam nating sin pero patuloy pa rin nating ginagawa. Yun yung mga bagay na talagang pinagsisisihan ko.
Pero ngayon, hindi naman na kasi nakapag-repent na ako. Bumalik na ako kay Lord, nagseserve na ako sa Kanya. Per syempre tao lang din, nagkakasala. So everytime nag anon, magrerepent lang ako. Yung relationship kasi importante.
JACKIE RICE: Hindi siya actually kasalanan kundi pagkukulang. Time, kasi hindi mo na talaga maibabalik yun. Kasi feeling ko, the more na tumatanda tayo, the more na mas napapalayo tayo sa magulang natin.
Kaya ayoko na rin muna ikasal kasi gusto ko muna i-treaure yung time ko sa kanila kasi namiss ko sila
CHARIZ SOLOMON: Siguro nagsisisi ako dahil minsan pumupunta akong malungkot sa trabaho. I’m a mother now, minsan talaga may times na may separation anxiety pa rin kapag iiwan ko ‘yung anak ko. Actually hindi talaga Ako umaalis ng bahay kung hindi lang sa work at sa anak ko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.