Sharon balak nang manirahan sa Amerika | Bandera

Sharon balak nang manirahan sa Amerika

Ervin Santiago - April 02, 2015 - 02:00 AM

sharon cuneta
NAGPAPLANO na pala si Megastar Sharon Cuneta na manirahan sa Amerika sakaling mag-retire na siya sa showbiz.
Kasalukuyang nasa Los Angeles si Sharon kasama ang kanyang pamilya para doon magbakasyon ngayong Holy Week.

Kahapon, nag-post na naman ng mahabang mensahe ang TV host-actress sa kanyang Facebook account na may kinalaman nga sa balak niyang pag-alis sa Pilipinas at mamalagi na lang sa US.

Ayon sa Facebook message ng nanay ni KC Cocepcion, “My babies call this happy place of ours ‘home.’ “I must admit that every once in a while, I cannot help but imagine living here also someday…

I hope to retire in 4-5 years, and here is one of those places that are in my shortlist for ‘back-and-forthing’—or living in na talaga someday… (Aba I can also naman apply for a job at TFC! Hahaha! Basta Kapamilya pa rin!),” m

Ayon kay Mega, iniisip daw kasi niya na baka mas maging magulo pa ang sitwasyon bansa sa mga susunod na taon. “I love the Philippines but maybe it is always in the back of my head that all this gulo in our country might become scary(-ier) na and I fear for my children’s Philippines, their future.

“I love God, my children, and my country. In that order. I am, after all, their mother, and my commitment is to take care of them as best I can,” mensahe pa ni Sharon.

Dagdag pa niya,“I am still hopeful, though. After all, sino ba ang gustong umaalis ng sarili nilang bansa, right? At napakaganda pati ng bansa natin.

“Sana naman inaalagaan natin, tapos tuwing may pagpalit ng administration, inaalagaan din sana tayo. Nakakapagod na rin minsan… And nakaka-sad. Well, let’s not underestimate the power of prayer!:-),” aniya pa.

Anyway, ipinaabot din ni Sharon ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nanonood ng reality talent show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar kung saan isa siya sa mga juror.

Napakataas daw kasi lagi ng rating ng kanilang programa kaya tuwang-tuwa si Mega.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending