Semis slots target ng Purefoods, Meralco | Bandera

Semis slots target ng Purefoods, Meralco

Barry Pascua - March 29, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Alaska Milk vs Purefoods Star
5:15 p.m. Meralco vs NLEX

SISIKAPIN ng nagtatanggol na kampeong Purefoods Star at nanggugulat na Meralco na makumpleto ang sweep ng best-of-three quarterfinal round ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa pagtudla ng isa pang panalo kontra magkahiwalay na karibal mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Makakatagpo ng Hotshots ang Alaska Milk sa ganap na alas-3 ng hapon samantalang makakaharap ng Bolts ang NLEX sa ganap na alas-5:15 ng hapon.

Kapwa nagposte ng kapani-paniwalang panalo ang Purefoods Star at Meralco sa kanilang series opener noong Biyernes.

Ang Meralco, na naghahangad na makarating sa four-team semis sa kauna-unahang pagkakataon buhat nang maging miyembro ng liga, ay namayagpag laban sa NLEX, 97-82.

Sinamantala naman ng Purefoods ang kapaguran ng Aces at tinambakan ang mga ito, 120-86.

Nadiskubreng muli ng Meralco ang three-point king na si Mark Macapagal na siyang namuno sa Bolts nang may 22 puntos sa 19 minuto. Si Macapagal, isang four-time Three-Point champion ng All-Star Weekend, ay gumawa ng limang triples.

Ang iba pang nagtapos nang may double figures sa scoring para sa Bolts ay sina Josh Davis (16 puntos), Sean Anthony (14), Gary David (13), Mike Cortez (10) at Reynell Hugnatan (10).

“We did a good job sharing the ball,” ani Meralco coach Norman Black.

Lumamang kaagad ang Bolts, 34-19, sa pagtatapos ng first quarter at hindi na lumingon pa buhat doon.

Pero mas matindi ang naging umpisa ng Purefoods na nagposte ng 31-7 abante matapos ang first quarter at umabante pa ng 36 puntos at hindi nagpaawat hanggang dulo.

Isa lang sa 14 manlalarong ginamit ni Purefoods coach Tim Cone ang hindi nakapagrehistro ng puntos. Sila’y pinamunuan ni Denzel Bowles na gumawa ng 20 puntos. Ang ibang Hotshots na nagtapos nang may double figures sa scoring ay sina James Yap (18), Mark Barroca (14), Peter June Simon (13), Marc Pingris (11) at Joe Devance (10).

Nagtala ng mainit na 61 percent (46-of-76) field goal shooting and Purefoods na isang league season-best.

Gumawa ng game-high 21 puntos ang Alaska Milk import na si Damion James subalit hindi nakakuha ng suporta sa locals dahil tanging sina RJ Jazul (12) at Vic Manuel (10) ang pinanggalingan ng opensa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umusad naman kahapon ang Talk ‘N Text sa semis matapos durugin ang Barako Bull, 127-97.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending