Bong Revilla di pinayagan ng korte maka-attend sa graduation ng anak
HINDI pinagbigyan ng Sandiganbayan First Division ang hiling ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na makadalo sa graduation ng kanyang anak. Sa dalawang pahinang mosyon, iginiit ng korte na nahaharap si Revilla sa mabigat na kaso at mayroon itong nakitang mabigat na ebidensya. “At the outset, it should be stressed that accused Revilla and the other accused are charged with the capital offense of plunder, and that because the Court had found that the evidence of their guilt is strong, their petitions for bail were denied and that, consequently, they continued to be held in detention,” saad ng korte. “Being detention prisoners, just like all other detention prisoners, the accused cannot be allowed the full enjoyment of their rights, be it civil of political.” Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pagtanggap umano ng kickback mula sa mga non-government organization ni Janet Lim Napoles. Sa Sabado, Marso 28, gaganapin ang graduation ng anak ni Revilla na si Franzel Loudette Bautista. Una nang nagsumite ng sertipikasyon si Revilla upang patunayan na magtatapos sa high school ang anak sa De La Salle Zobel School at tatanggap ng mga award. Ipinaalala rin ng korte na ilang ulit na nitong pinagbigyan si Revilla na makalabas kabilang na ang pagpunta sa kanyang anak na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib. “(T)he Court is not inclided at this time to treat as exceptional circumstances the commencement exercises of his daughter in Muntinlupa City. To the mind of the Court, allowing accused Revilla to attend the graduation of his daughter will not only set a bad precedent, but will ikewise bt regarded as a mockery of the administration of justice.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.