PBA best-of-3 quarterfinals sisimulan na | Bandera

PBA best-of-3 quarterfinals sisimulan na

Barry Pascua - March 27, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Meralco vs NLEX
7 p.m. Alaska Milk vs Purefoods Star

WALANG koponang nagtataglay ng malaking bentahe kontra sa kalaban sa pagsisimula ng best-of-three quarterfinals round ng 2015 PBA Commissioner’s Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Magsasalpukan ang Meralco at NLEX  sa ganap na alas-4:15 ng hapon samantalang makakatunggali ng Alaska Milk ang defending champion Purefoods Star sa alas-7 ng gabi na main game.

Dinaig ng NLEX at Purefoods ang kanilang mga katunggali noong elimination round at puwedeng bunga noon ay may psychological edge sila.

Tinalo ng Road Warriors ang Bolts, 89-76, noong Pebrero 27 samantalang tinambakan ng Hotshots ang Aces, 108-88, noong Pebrero 3.

Kapwa tinapos ng NLEX at Meralco ang 11-game elims sa kartang 6-5 subalit nakuha ng Road Warriors ang No. 4 seeding bunga ng win-over-the-other rule. Ang Road Warriors ay galing sa 91-85 pagkatalo sa Barako Bull noong Martes at napatid ang kanilang five-game winning streak.

Natalo naman ang Meralco sa lima sa huling anim na laro nito matapos na magtala ng 5-0 karta sa umpisa ng torneo.

Sa kanilang pagtatagpo sa elims ay dinaig ni NLEX import Al Thornton si Meralco import Josh Davis sa scoring, 36-19.

Si Thornton ay susuportahan nina Paul Asi Taulava, Niño Canaleta, Jonas Villanueva, Enrico Villanueva at Mark Cardona.

Katuwang naman ni Davis sina Gary David, Jared Dillinger, Reynell Hugnatan, Sean Anthony at Mike Cortez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending