Ang GF na bang hindi virgin ang makakatuluyan? (2) | Bandera

Ang GF na bang hindi virgin ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield |March 27,2015
facebook
share this

Ang GF na bang hindi virgin ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - March 27, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jeffrey Sto. Nino, SFDM, Quezon City

Problema:

2. Mag-iisang taon na sana ang relasyon namin ng ng girlfriend ko hanggang sa may aminin siya sa akin na hindi na daw siya virgin. May nakauna na raw sa pagkababae niya at ito raw ang ang naging first boyfriend nya sa kanilang probinsya. Sa nangyaring iyon ay nagulat ako. Ang gusto ko talagang mapangasawa ay isang babaeng malinis o wala pang karanasan.

3. Kaya sa ngayon ay labis akong nanghihinayang kasi mahal na mahal ko po siya at siya pa lang ang unang naging girlfriend ko. Kung siya ang makakatuluyan ko, hindi kaya argabyado naman ako? Magiging maligaya pa rin kaya ang aming itatayong pamilya? September 2, 1989 ang birthday ko.

Umaasa,
Jeffrey ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ayon sa zodiac sign mong Virgo (Illustrion 2.) ang nagsasabing kung Taurus ang zodiac sign ng girlfriend mo ay compatible kayo. Ibig sabihin, walang kaugnayan ang virginity sa pagiging magka-compatible n’yong dalawa. At dahil nga tugma kayo, malaki ang tsansa na kayo na ang magkakatuluyan.

Numerology:

Samantala, ayon sa birth date mong 7, kung 2, 11, 20 o kaya’y 29 ang birth date ng girlfriend mo, tulad sa astrology, tunay ngang tugma at compatible kayo. Ibig sabihin, dahil tugma kayo sa numerology at astrology, sa bandang huli ay kayo na nga ang magkakatuluyan.

Luscher Color Test:

Kung asul ang laging isinusuot na kulay ng iyong girlfriend o mayroon siyang damit na kulay asul at iyon ang paborito niyang suutin ay tiyak ang magaganap— kayo na nga ang magkakatuluyan sapagkat isang babaeng madalas magsuot ng asul at puti ang nakatakda mong mapapangasawa at makakasama habambuhay.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jeffrey, ayon sa iyong kapalaran, kahit na hindi virgin ang kasalukuyan mong girlfriend ay wala ka nang magagawa dahil tulad ng nasabi na, kayo na nga ang itinakda ng tadhana upang magkakatuluyan at magsasama habambuhay. Nakatakda itong mangyari sa 2017 sa edad mong 28 pataas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending