Kailangan bang mamatay muna ako bago ako makalaya? – AMY PEREZ | Bandera

Kailangan bang mamatay muna ako bago ako makalaya? – AMY PEREZ

|May 29,2012
facebook
share this

Kailangan bang mamatay muna ako bago ako makalaya? – AMY PEREZ

- May 29, 2012 - 02:01 PM

Hanggang ngayon wala pang resolusyon ang annulment case

Nagdadalantao pala uli ang tinaguriang kapitana ng mga barangay na si Amy Perez.

‘Yun pala ang dahilan kung bakit minsan ay wala siya sa Good Morning Club ng TV5, hindi kagandahan ang kanyang pakiramdam, dahil naglilihi nga siya.

Ilang buwan pa siyang magtatrabaho at pagkatapos ay pansamantala na siyang magpapahinga para matutukan ang kanyang pagdadalantao, ikalawang anak na nila ito ng news reporter na si Carlo Castillo, taga-TV5 din.

Nakakaadik ang Face To Face ni Tyang Amy, hahatakin ka talaga ng mga mata mo para manood ng kanyang nakakaaliw at punumpuno ng leksiyong programa tuwing tanghali sa TV5, nakakaloka ang mga problemang pang-barangay na tinatalakay sa kanyang show.Nu’ng minsan ay napakababaw lang ng pinag-awayan ng magkakaibigang nagsumbong sa programa, pintasan-sulutan lang ng mga suki, personalan ang kanilang awayan.

Kesyo ipinagkakalat daw nu’ng isa na mabaho siya, amoy-isda na napakalansa, kaya nu’ng magkita sila sa Face To Face ng namimintas sa kanya ay suguran agad at pagduduop ang nangyari.

“Ako nga, two years ko nang ginagawa everyday ang show, pero nagugulat pa rin ako, ang dami-dami pa palang topic na hindi namin natututukan!

Everyday, iba-ibang problema pa rin ang nakakaengkuwentro namin!” kuwento ng pinakasikat na kapitana ng barang na si Amy.

Hindi pa puwedeng magpakasal sina Carlo at Amy kahit pa may katagalan na ang kanilang relasyon at meron na silang anak.

Hanggang ngayon kasi ay nakasalang pa rin sa korte ang pagpapawalang-bisa ng aktres sa kanyang kasal kay Brix Ferraris, dekada na ang dumadaan, pero wala pa ring sagot ang kanyang hiling.

“I really don’t know kung ano pa ang kulang sa mga documents na hawak ko, kailangan ko pa kayang mamatay muna bago ma-grant ang annulment na hinihingi ko?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napakatagal na nu’n, pero hanggang ngayon, wala pa ring resulta!” madiing litanya ng reyna ng Face To Face ng TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending