Masama ang loob ng mahal naming couple na sina Papa Manny Paner and Mama Daisy Romualdez sa kanilang anak na si Danita Paner lately.
Umiiyak na nakausap ko si Mama Daisy over the phone last Friday dala ng sobrang sama ng loob sa kanyang anak.
“Ang sa akin lang ay respeto niya sa amin ng Papa niya bilang parents niya.
She lives with us kaya kahit sabihin pa niyang nasa tamang edad na siya, we still look after her kaya dapat ay sundin naman niya ang mga payo namin.
“Ganito kasi iyan, di ba mina-manage siya ni Annabelle Rama?
Ang dami nang nangyari bago kami nagkagalit ni Annabelle ngayon.
Dati ay pinaghiwalay sila ni JC de Vera. Iyak nang iyak si Danita sa banyo kaya pinayuhan ko siya. Kasi nga, ipinahiya siya ni Annabelle sa harap ng marami.
“Nagalit ako siyempre.
Then sumunod naman ang isyung gusto ni Annabelle na gawin siyang support sa alaga niyang si Arci Muñoz.
Sino ba yang Arci na iyan para gawin lang support si Danita?
Ngayon ay meron kaming away ni Annabelle at alam ni Danita iyan.
Pero hindi ako nakikialam sa trabaho nila bilang talent-manager.
“Yung sa akin lang, sana, bago magdesisyon si Danita on major contracts, magpaalam naman muna siya sa amin ng Papa niya.
Not because kaya na niyang magsarili ay etsapuwera na kami.
Masakit sa amin iyon. Imagine, nagpirmahan sila ni Annabelle ng movie contract sa Regal without our knowledge?
“Ginanap pa ang pirmahan sa bahay nina Annabelle sa White Plains.
Nasaktan talaga kami ng Papa niya dahil we were the last to know.
Mano bang nagpaalam muna siya sa amin bago siya pumirma, di ba?
We are not interested sa anumang kinikita or kikitain niya sa mga projects niya.
In fact, wala naman akong kinukuha ni isang kusing sa kinikita niya but I still spend for everything that she needs, kasi nga mahal namin siya bilang anak.
“Hindi naman siguro lingid pa sa kaalaman ninyo kung paano dumating sa buhay namin ang batang iyan.
Legal ang mga papeles niyan sa amin. Ang sa amin lang, respeto.
Hindi ba niya kayang ibigay iyon?
Alam naman niya for a fact na magkaaway kami ni Annabelle at hindi naman namin siya isinasali sa gulo namin.
Pero nag-isip man lamang sana siya kung ano ang dapat niyang gawin,” ang tuluy-tuloy na pahayag sa amin ni Mama Daisy.
Masakit ito kaya dapat turuan ko iyan ng leksiyon. Nahihiya na ako sa public dahil para kaming hindi nagkakaintindihang mag-ina.
Kaya lang, pag hindi ko naman inilabas ang sama ng loob ko, baka atakihin ako sa puso.
“Alam mo ba na may times na madaling araw na iyan kung umuwi, nakainom at amoy sigarilyo.
Tama ba ‘yun?” pahabol pa ni Mama Daisy na sobra na ang galit sa anak.
I’d like to think na nagkakatampuhan lang sila at sana’y maayos nila ito agad sooner than we expect.
Piece of advice lang sa anak-anakan nating si Danita, there’s nothing best in this world for someone like you na ipaalam ang lahat ng bagay sa iyong mga magulang – for security reasons na rin.
Not because may mga pakpak na kayo to fly higher ay basta na lang ninyo iti-take for granted ang parents n’yo?
Huwag sanang kalimutan ni Danita na it was Mama Daisy who introduced her to the business.
Kahit saang anggulo mo tingnan Danita, mali ka rito anak. Be a good girl, okay?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.