Driver inireklamo si DEREK, pabayang amo raw | Bandera

Driver inireklamo si DEREK, pabayang amo raw

|May 28,2012
facebook
share this

Driver inireklamo si DEREK, pabayang amo raw

- May 28, 2012 - 03:59 PM

Naawa sa kanyang sarili kaya biglang nag-resign

PAMILYAR kaya kay Derek Ramsay ang pangalang Alex Nicdao?

Si Alex Nicdao ay sinasabing dating personal driver ni Derek na isa nang taxi driver ngayon, umalis daw ito sa poder ng aktor dahil hindi na raw niya kinakaya ang pagtrato sa kanya.

Isang kaibigan namin ang naisakay ni Alex Nicdao sa minamaneho nitong taxi noong Sabado at nagulat ang aming kaibigan nang biglang magkuwento sa kanya ang driver at nagsabing dati nga raw nitong amo si Derek.

Ayon kay Alex ang una niyang reklamo kay Derek ay hindi siya binibigyan ng allowance para sa pagkain na kasama raw sa usapan nila noong kinuha siyang maging driver.

Tuwang-tuwa nga raw ang mamang driver kapag nasa taping si Derek dahil doon siya nalilibre ng pagkain dahil nga may catering ang production.

Pangalawang reklamo raw nito ay sa garahe diumano siya pinatatulog ng aktor kasama ang mga alagang aso.  Ang mga nasabing aso ay hindi raw nakakulong, pero mababait naman daw ang mga ito at kilala na siya, “Kaya lang pag puyat daw siya galing taping ay hindi siya makatulog nang husto dahil nagigising habang dinidilaan ng mga aso,” kuwento ng aming kaibigang kausap ni Alex Nicdao.

Pangatlong reklamo ay hindi raw nag-iiwan ng pambayad sa parking lot si Derek dahil laging nagmamadaling bumaba ng sasakyan kaya kadalasan ay nag-aabono raw ang driver.

“Eleven thousand daw ang suweldo ni Alex kay Derek pero wala naman daw sa usapan na kasama ang parking fee sa salary niya,” kuwento pa ng aming kaibigan.

Nang minsang manghingi raw ng pambayad sa parking si Alex kay Derek ay nagsabi pa raw diumano ang aktor ng, “Ano ka ba, lagi ka na lang walang pera?”

Sa kabila nito, puring-puri naman ni Alex si Derek dahil mabait daw at marunong makisama, marahil daw ay marami lang itong iniisip at pagod sa trabaho kaya siguro nalilimutan siyang pakainin at bigyan ng pambayad sa parking.

E, ang patulugin siyang kasama ang mga aso? “Siguro, wala talaga siyang tutulugan kasi ‘yung bahay ni Derek, e, bahay nila ni Angelica (Panganiban) pala iyon, doon sila nakatira noong sila pa, hati silang nagbabayad doon,” kuwento ng aming kaibigan na ayon pa rin rin daw sa dating driver ng aktor.

Samantala, kasalukuyang nasa Amerika si Derek para sa launching ng TV5 kaya hindi namin makuha ang panig niya tungkol dito.

Tinatawagan din namin kahapon ang manager ng aktor na si Jojie Dingcong pero hindi kami sinasagot, maging ang road manager niyang si Joan ay hindi rin namin ma-reach sa kanyang cellphone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang pahinang ito para sa paliwanag ni Derek tungkol sa mga reklamo ng diumano’y dati niyang driver, kaya sa ngayon huwag muna nating husgahan ang aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending