Divorce bill hindi uusad sa Kamara
Leifbilly Begas - Bandera March 24, 2015 - 03:13 PM
Ayon kay Speaker Feliciano Belmonte Jr., hindi maipapasa ang panukalang legalisasyon ng divorce habang siya ang lider ng Kamara.
“The proposal to legalize divorce will not pass under my watch (as Speaker),” ani Belmonte.
Naniniwala si Belmonte na dapat isalba ang relasyon ng mag-asawa alang-alang sa kanilang mga anak.
Sinabi naman ni House independent bloc leader Ferdinand Martin Romualdez na hindi dapat gumawa ng hakbang ang gobyerno upang tuluyang maghiwalay ang mag-asawa.
“It’s a contract (marriage), so any contract should be respected and there are conditions for which each party has to abide and in layman’s term, it’s better to keep, and care it and not allow an easy way out on this obligation,” ani Romualdez. “We have to look at our existing laws and culture, and we should be very deliberate about it. We have to preserve the sanctity of marriage and family.”
Hindi rin umano maganda na ngayon ipasa ang panukala matapos ang deklarasyon ng pagiging santo ni Pedro Calungsod at ang pag-akyat ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa College of Cardinals.
Bukod sa divorce bill tinututulan ng Simbahang Katolika ang Reproductive Health bill na isinabatas ng Kongreso.
Isinusulong ng Gabriela partylist ang pagsasabatas ng divorce bill upang tulungan umanong makawala ang mga babae sa hindi magandang sitwasyon dahil sa mister nito.
Ayon sa survey ng Social Weather Station, 60 porsyento ng mga Filipino ang pabor sa divorce.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending