DepEd nakialam na sa reklamo ng HS salutatorian vs Iskul | Bandera

DepEd nakialam na sa reklamo ng HS salutatorian vs Iskul

Leifbilly Begas - March 24, 2015 - 02:51 PM

 

 

student

Kinikilala ng Department of Education ang karapatan ng mga estudyante na ipahayag ang kanilang saloobin.
Ito ang sinabi ni Education Usec. Toni Umali sa isyu ng pagpigil umano ng Sto. Niño Parochial School sa Quezon City, sa talumpati ng salutatorian kaugnay ng mga mali umanong ginagawa ng pamunuan ng paaralan.
Sinabi ni Umali na pinapahalagahan ng DepEd ang karapatan ng mga estudyante sa ilalim ng Konstitusyon.
“Klarong klaro, tulad po ng sinabi niyo, may mga karapatan po ang bata na amin namang kinikilala, lalo na po ‘yung sabi niyo na ‘yung karapatan na ipahayag ang kaniyang saloobin o hinaing,” ani Umali.
Nakikipag-ugnayan na rin umano ang legal department ng ahensya sa DepEd-National Capital Region at Quezon City Schools Division.
Ayon kay Umali hindi na hinintay ng DepEd na mayroong magreklamo bago umaksyon.
Sisiyasatin umano ng ahensya kung ano ang nasabi at hindi nasabi ni Krisel Mallari sa kanilang graduation. Titignan din kung ano ang panuntunan na sinusunod ng eskuwelahan sa pagpili ng mga honor students na inirereklamo ni Mallari dahil hindi umano transparent.
Nakuhanan ng video ang pagpigil sa kanya sa kalagitnaan ng kanyang speech kaugnay ng mali umanong patakaran sa pagpili ng valedictorian. Maraming nakapanood ng video na kuha ng kanyang kapatid at ipinost sa You Tube.
“Nag-post naman ang paaralan sa kanilang Facebook account ng sagot sa pahayag ni Mallari.
Sinabi nito na pinatigil ang ‘welcome remarks’ ni Mallari dahil binago niya ang isinumite niyang babasahin.
“Panuntunan ng paaralan na lahat ng talumpati ay kailangang aprubahan ng paaralan. Sinabihan si Krisel Mallari na kapag ito’y kanyang nilabag, hindi siya papayagan sa kanyang talumpati,” saad ng pahayag ng paaralan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending