PINABULAANAN ng Malacanang ang mga reports na siya’y nahimatay.
May isang report na siya’y nag-collapse dahil sa matinding ubo.
Siya, siya, kung hindi totoo, walang dapat ikabahala ang buong bansa.
Remember, the President’s health is of national concern.
Kapag totoo ang bali-balita at may masamang nangyari sa ating Pangulo, baka humalili si Vice President Jojo Binay.
Diyos na mahabagin, huwag naman po!
Kawawa ang bansa kapag nagkaroon ng ganoong scenario—na papalit si Binay kay P-Noy—dahil sa naging bed-ridden si Pangulong Noynoy o nategok.
Teka, maaaring may katotohanan ang mga bali-balita na nagkolapso si P-Noynoy dahil sa matinding ubo.
Alam ninyo, siya’y chain smoker at ang pag-ubo-ubo niya ay gawa ng kanyang pagiging chain smoker.
Marami na akong kilala na malakas na naninigarilyo sa ganoong edad na ubo ng ubo.
Ibig sabihin niyan ay itigil na ng Pangulo ang paninigarilyo.
Kung hindi siya tumigil sa paninigarilyo, yan ay tanda ng wala siyang disiplina sa katawan.
Kung siya’y pabaya sa kanyang kalusugan, pabaya rin siya sa kanyang responsibilidad sa bayan.
Ngayon pa man ay ipinamamalas na niya na siya’y mahina at iresponsableng lider.
Ngayon naman ay sinisisi niya si suspended Philippine National Police Chief Alan Purisima sa masaker ng 44 police commandos sa Mamasapano.
Kesyo raw hindi sinunod ni Purisima ang kanyang utos na makipag-coordinate sa military at ipaalam kay Leonardo Espina, acting chief ng Philippine National Police (PNP), ang tungkol sa gagawing operation sa Mamasapano.
Tumigil ka na sa iyong kangangakngak, Mr. President!
Mas lalo mo lang binubuksan ang iyong bibig, ay mas lalo kang nagiging katawa-tawa.
Pinagtatawanan ka na ng buong bansa at maging ng ibang bansa.
Tama na, tigil na!
Magtiis tayo at ibinoto natin ang isang national leader na irresponsible.
Lumaki si Noynoy sa layaw.
Hindi siya binigyan ng responsibilidad noon sa bahay ng pamilya Cojuangco-Aquino dahil siya’y unico hijo o nag-iisang lalaki sa magkakapatid.
Kahit na noong siya’y congressman at di kalaunan ay naging senador, siya’y pabandying-bandying lamang at pakuya-kuyakoy at pachiks-chiks.
Ibinoto siya ng karamihan dahil siya’y mama’s boy at ang kanyang mama, si dating Pangulong Cory Cojuangco-Aquino, ay namatay sa kanser.
Ibinoto siya dahil din sa kanyang martir na ama na si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino.
The Filipino people wanted to perpetuate the memory of Cory and Ninoy through their only begotten son, Noynoy.
Tinimbang siya at sinukat ng taumbayan, nguni’t siya’y nagkulang.
Kasalanan natin at siya’y niluklok natin sa puwesto, kaya’t magdusa tayo sa ating katangahan.
Hanggang ngayon, nangunguna pa rin si Vice President Jojo Binay sa popularity survey sa mga possible presidential candidates sa 2016 kahit na nahaharap sa isyu ng matinding corruption.
Hindi naniniwala ang masa na totoo ang isyu ng corruption laban sa kanya.
Ang mahihirap at ignoranteng masa ang nagluluklok ng mga elective officials dahil sa dami nila.
Kapag patuloy na itataguyod ng masang Pilipino si Binay hanggang 2016 election, heaven bless the Philippines !
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.