Hindi pa rin makalimutan ang first love (2) | Bandera

Hindi pa rin makalimutan ang first love (2)

Joseph Greenfield - March 23, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lorie ng Katalbasa, Sagay City, 

Negros Occidental
Problema:

1. May boyfriend na ako ngayon kaya lang hindi ko siya masyadong mahal, lagi ko kasing naaalala ang first love ko na tawagin na lang nating Oliver. Nagkalayo kasi kami ni Oliver nang bumalik na siya ng Maynila, at dahil gusto kong makalimot, sinagot ko ang manliligaw kong si Aldrin kahit hindi ko siya masyadong mahal.

2. Gusto ko pong itanong kung babalikan pa kaya ako ni Oliver at totohanin kaya nya ang kanyang pangako na sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal na kami? Balak ko na kasing makipag-break sa kasalukuyan kong boyfriend, kasi hindi ko naman siya talagang mahal. Tama ba ang gagawin kong ito at sino sa dalawang lalaking ito ang makakatuluyan ko? September 25, 1991 ang birthday ko.
Umaasa
Lorie ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sino man sa dalawang lalaking gumugulo sa buhay mo sa ngayon ang isinilang sa zodiac sign na Aquarius, sigurado ang magaganap, siya na nga ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habambuhay na pamilya.

Numerology:

Ang birth date mong 25, ay nagsasabing kung sino man sa dalawang lalaki sa buhay mo sa ngayon ang may birth date na 2, 11, 20 o kaya’y 29, tiyak ang magaganap – siya na nga ang makakatuluyan mo at mapapangasawa.

Luscher Color Test:

Kung sino man sa dalawang lalaking bahagi ng buhay mo sa ngayon ang madalas at laging nagsusuot ng kulay na asul o kaya’y berde, tiyak ang magaganap – siya na ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habambuhay na pamilya.

Huling payo at paalala:

Lorie tulad ng nasabi na, hindi ka maiinip, pagsapit na pagsapit ng buwan ng Abril sa taon ding ito ng 2015 sa edad mong 24 pataas, magdedesisyon kang makipag-break na sa kasalukuyan mong boyfriend, upang hintayin ang pagbabalik ng iyong first love. Hindi ka naman, mabibigo, dahil sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Mayo, muling magbabalik si Oliver, upang tuparin ang kanyang pangako na pakakasalan ka na ang nasabing pag-aasawa ay hahantong na nga sa pagbuo ng isang maligaya at pang habambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending