Inday Bote ni Alex umariba agad sa rating; Alonzo wagi sa comedy | Bandera

Inday Bote ni Alex umariba agad sa rating; Alonzo wagi sa comedy

Ervin Santiago - March 23, 2015 - 02:00 AM

alex gonzaga

Pinuri ng viewers ang pilot week ng Primetime Bida series na Inday Bote – tuwang-tuwa ang madlang pipol sa kuwento ng bagong seryeng handog ng Dreamscape Entertainment.

Tama raw ang sinabi ni Alex na ibang-iba ito sa movie ni Maricel Soriano kaya mas lalong dapat abangan ng manonood. Sa katunayan, nagtala agad ng impressive rating ang Inday Bote sa unang linggo pa lang nito sa ere.

Ito’y kahit hindi pa lumalabas sa mga unang araw ang karakter ni Alex bilang si Inday Bote at ang dalawa niyang leading man na sina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano.

Kaya umaasa ang buong production ng Dreamscape na mas tataas pa ang rating ng show kapag nagsimula nang ma-establish ang karakter ng tatlong Kapamilya stars.

Base nga sa datos ng Kantar Media, pumalo ang pilot episode ng Inday Bote ng national TV rating na 18.4% at mas tumaas pa nga sa mga sumunod na araw.

Bukod dito, naging isa rin ang Inday Bote sa mga top trending topic sa Twitter at iba pang social media. Puro papuri rin ang ibinigay ng netizens kay Alonzo Muhlach na gumaganap ngang duwende sa kuwento na magiging kaibigan ni Inday Bote.

Samantala, tiyak naman na mas matutuwa ang viewers sa pagpapatuloy ng Inday Bote ngayong tinupad na ng mga duwende ang kahilingan ng mag-asawang Angelo (Bobby Andrews) at Marice (Carla Humphries) na magkaroon ng anak.

Paano babaguhin ng pamilya nina Angelo at Marice ang relasyon ng mga duwende at tao? Ang magiging anak na ba nila ang makapag-iisa sa dalawang mundo? Napapanood ang Inday Bote, gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending