Patrick sa kasal nila ni Nikka: Kailangang itama namin ang mali!
“GUSTO naming ayusin ang pagkakamali namin. Para rin sa anak namin at sa aming dalawa!” Ito ang naging pahayag ni Patrick Garcia bago sila ikasal ng ina ng kanyang anak na si Nikka Martinez noong Sabado ng hapon.
Ginanap ang intimate wedding ng dalawa sa Blue Leaf Filipinas sa Parañaque City na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Ilan sa mga showbiz personalities na dumalo sa kasal nina Patrick at Nikka sina Cheska Garcia, sister ni Patrick, Antoinette Taus, Paula Peralejo, at Cogie Domingo.
Present din sa wedding ang anak ni Patrick kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na naging bahagi rin ng entourage. Ang anak naman ng bagong kasal na si Chelsea ang nagsilbing little bride sa seremonyas.
Ayon kay Patrick ang pagpapakasal nila ni Nikka ay patunay lang na tunay ang pagmamahal nila sa isa’t isa. At nagpapasalamat siya na pumayag ang ina ng kanyang anak na magpatali na sa kanya habambuhay.
Sabi pa ni Patrick sa isang panayam, “Kasi we’re doing the right thing. We started it wrong,” na ang tinutukoy nga ay ang pagkakaroon nila ng anak nang hindi pa kasal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.