Coco: Isa si Julia sa mga itinuturing kong kayamanan! | Bandera

Coco: Isa si Julia sa mga itinuturing kong kayamanan!

Ervin Santiago |March 22,2015
facebook
share this

Coco: Isa si Julia sa mga itinuturing kong kayamanan!

Ervin Santiago - March 22, 2015 - 02:00 AM

coco martin
AMINADO ang Hari ng Primetime na si Coco Martin na espesyal ang turing niya sa Kapamilya actress na si Julia Montes, na muli niyang makakatambal sa pinakabagong Wansapanataym summer special na pinamagatang “Yamishita’s Treasures” na magsisimula na ngayong gabi sa ABS-CBN.

“Sa dami na ng mga nakasama kong artista sa iba’t-ibang proyekto, si Julia talaga ‘yung masasabi ko na mayroon akong pinakamalalim na samahan,” ani Coco. “Isa siya sa pinakamahalagang treasure ko dito sa showbiz dahil hindi ko lang siya basta katrabaho at ka-loveteam, kaibigan ko siya mula pa noong hindi pa ako sikat at kasabayan ko siyang dumanas sa iba’t ibang yugto ng pagiging artista.”

Ang Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ay iikot sa kwento ni Yami (Coco), isang treasure hunter na mapupunta sa mundo ng mga diwata, kung saan makikilala niya si Tanya (Julia).

Anong treasure nga ba ang matatagpuan ni Yami sa mundo nina Tanya? Paano nila matutulungan ang isa’t isa para protektahan ito mula sa mga diwatang magnanakaw?

Makakasama rin nina Coco at Julia rito ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Arron Villaflor, Ryan Bang, Marlan Flores, at Alonzo Muhlach.

Ito ay mula sa panulat nina Noreen Capili at Joel Mercado, sa direksyon ni Avel Sunpongco. Huwag palampasin ang pagsisimula ng adventure nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures under Dreamscape Entertainment ngayong Linggo, 6:45 p.m. after ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending