LIBU-libo na ang nakapila at nakaabang sa kauna-unahang concert sa Pilipinas ng British boy band na One Direction ngayong gabi, Marso 21 sa Mall of Asia Open Grounds.
Apat lamang sa limang miyembro –Niall Horan, Harry Styles, Louis Tomlinson at Liam Payne –ang magpa-perform sa concert na pinamagatang “On the Road Again Tour”.
Dumating sa bansa ang apat sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ala-1:55 ng hapon sakay ng isang private plane.
Biyernes pa lang ng gabi ay ilang mga avid 1D fans ang nagbantay sa airport para masilayan ang grupo. Libu-libo naman ang dumagsa kinaumagahan ng Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending