MARIEL nag-iiyak sa airport, iniwan si BINOE | Bandera

MARIEL nag-iiyak sa airport, iniwan si BINOE

- May 26, 2012 - 04:54 PM


NGAYONG araw ang launching ng TV5 sa Amerika at ang programang Will Time Bigtime dinala doon ng network para mag-show na gaganapin sa Shrine Auditorium, Los Angeles, California at sa Bill Graham Civic Auditorium, San Francisco, kung saan mamimigay sila ng malalaking papremyo.

Umalis ang grupo ni Willie Revillame noong Huwebes ng gabi kasama sina Mariel Rodriguez, Camille Villar at ang Wil Time Bigtime dancers.

Hinatid ni Robin Padilla sa NAIA Terminal 2 ang asawang si Mariel.

Balitang umiiyak pang nagpaalam si Mariel kay Binoe dahil simula raw ng maging mag-asawa sila ay ngayon lang siya aalis palabas ng bansa ng hindi kasama ang asawa.

Oo nga naman, bakit hindi kasama si Robin sa pagpunta niya sa Amerika, puwede naman na ang aktor ang “plus one” ni Mariel? “Hindi na-approve ang visa (US), 2009 pa nu’ng nag-apply,” saad ng TV host-actress.Samantala, inamin ni Mariel na sobrang saya niya kapag lumalabas sila ng bansa ng asawang si Robin kaya sobrang lungkot niya ngayong pa-US siya na hindi niya kasama si Binoe.

Marami ng bansang napuntahan sina Robin at Mariel tulad ng India (kung saan sila unang nagpakasal), Hongkong, Macau, Singapore, France, Italy, Holland, Maldives, Morocco at itong huli, sa Russia.

Halos lahat daw ay first time mapuntahan ni Mariel maliban sa Hongkong at Singapore, “Kaya lahat memorable ang trip ko, Reggs, ang saya-saya!” say sa amin ng TV host.

Si Robin daw mismo ang namimili ng mga bansang pupuntahan nila at si Mariel ang taga-book at gumagawa ng itinerary.

Sa Hunyo 5 pa ang balik ni Mariel sa Pilipinas kaya’t dalawang Sabado rin siyang hindi mapapanood sa Paparazzi bilang isa sa mga host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending