Alex Gonzaga: Trip ko talagang mag-audition sa The Voice!
Sabay-sabay na sinaksihan ng mga manonood ang pinakaaabangang pagbubukas ng kwento ng pinakabagong fantasy-drama series ng ABS-CBN na Inday Bote na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano at Alex Gonzaga.
Base sa datos mula Kantar Media noong Lunes (Marso 16), pumalo ang pilot episode ng Inday Bote ng national TV rating na 18.4%, o anim na puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na My Love From the Star (12.3%).
Bukod sa TV ratings, panalo rin ang serye nina Alex sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging worldwide trending topic ang official hashtag nitong #IndayBoteAhWaw, at nationwide trending topic naman ang isa sa mga bida nito na si Alonzo Muhlach.
Samantala, tiyak naman na mas mapapamahal ng viewers sa pagpapatuloy ng Inday Bote ngayong tinupad na ng mga duwende ang kahilingan ng mag-asawang Angelo (Bobby Andrews) at Marice (Carla Humphries) na magkaroon ng anak.
Paano babaguhin ng pamilya nina Angelo at Marice ang relasyon ng mga duwende at tao? Ang magiging anak na ba nila ang makapag-iisa sa dalawang mundo?
Huwag palampasin ang kapanapanabik na kwento ng pangarap at hiwaga sa Inday Bote, gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.
Samantala, inamin ni Alex na kung mabibigyan siya ng chance gusto niyang mag-audition bilang contestant sa The Voice, pangarap daw kasi talaga niya ang sumali sa mga singing contest.
“Siyempre, gusto ko. Kaso baka walang humarap,” nakaraang launch ng kanyang album, ang “I Am Alex G”. Dream daw talaga niya ang maging singer at magkaroon ng sariling album na natupad na nga ngayon.
“Noong bata pa ako, maganda na talaga ang boses ko, alam ng mga kaibigan ko ‘yan. Sa classroom magtatanong ako, ‘Sino gustong kumanta ako?’ Tapos tatanungin ko ang favorite songs.
Hanggang college po ako, sabi ko, ‘O sige, i-record n’yo na baka mamaya magka-album ako.’ “Yung mga kaibigan ko, kabarkada ko, classmate ko, mayroon sila ng video ng kumakanta ako.
Kasi, mahilig na po talaga akong kumanta noon pa,” chika pa ni Alex na maituturing na ring isang multimedia star.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.