ISANG babae na nagpapa-alila sa kanyang kapatid upang makapag-aral ang kanyang anak ang nanalo ng P50.6 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.
Kinuha na ng 48-anyos na nanalo ang kanyang premyo sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Siya ay may-asawa at dalawang anak. Naglalabada siya at taga-Quezon City.
Nag-iisa siyang nakataya sa mga numerong 07-08-10-19-48-55 sa bola noong Marso 4. Galing ang mga numero sa kaarawan at edad ng kanyang mga kapamilya. Nagkakahalaga ng P40 ang kanyang taya nang manalo.
Nakatira sa squatter’s area ang nanalo kaya bibili na siya ng sariling bahay at lupa. Babalatuhan din niya ang kanyang kapatid na siyang nagpapa-aral sa kanyang mga anak kapalit nang paninilbihan niya rito.
Ayon sa nanalo siya ang taga-laba, taga-luto, at katulong ng kanyang kapatid kapalit ng pagpapa-aral nito sa kanyang mga anak.
Kulang umano ang kinikita ng kanyang mister sa pagkakarpintero.-
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.