Sure na paraan upang makaahon sa kahirapan | Bandera

Sure na paraan upang makaahon sa kahirapan

Joseph Greenfield - March 16, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jane ng Alta Tierra Village,  Jaro, Iloilo City

Dear Sir Greenfield,

Mula nang magsama kami ng asawa ko ay hindi na kami nakaahon sa kahirapan, buti pa noong dalaga pa ako, maganda ang buhay ko, pero ngayon naghihirap na talaga kami. Madalas nga lugaw na lang at noodles ang kinakain ng mga anak ko para lang mapagkasya ang perang iniintrega sa akin ng mister ko. Maliit lang kasi ang kinikita nya sa bukid. May pag-asa pa kaya kaming maka-ahon sa kahirapan. Kung may pagasa pa, ano ang mai-aadvice mong sure na paraan para makaahon kami sa kahirapan para man lang mabigyan namin ng magandang kinabukasan ang aming mga anak? June 14, 1980 ang birthday ko.

Umaasa,
Jane ng Iloilo City
Solusyon/Analysis:
Cartomancy:

Seven of Diamonds, Five of Clubs at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing wala sa mister mo ang pag-asa upang makaahon kayo sa kahirapan, kundi nasa sarili mong pagsisikap at ito ay magagawa mo sa pamamagitan ng pangingibang bansa.

Palmistry:

Kung sa bukid lang ang hanapbuhay ng mister mo, malabo nga kayong maka-ahon sa kahirapan. Subalit kapansin-pansin ang malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, ang isang sure na paraan upang makaahon ang inyong pamilya sa kahirapan ay mag-abroad ka na kusa namang mangyayari at magaganap sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending