TV host tinanggal sa trabaho; nilait ang litrato ni Paolo bilang si Michelle Obama
Ni Ervin Santiago
KALAT na kalat na sa social media ang pagkakatanggal sa sikat na TV host-fashion expert sa isang foreign TV network – ang dahilan – ang make-up transformation ni Paolo Ballesteros bilang si US First Lady Michelle Obama.
Tsinugi ang Emmy-winning host na si Rodner Figueroa ng Univision network, isang American Spanish language broadcast TV network, matapos itong magkomento sa programa nilang El Gordo y la Flaca (The Scoop & The Skinny) noong March 12 tungkol sa panggagaya ni Paolo kay Michelle Obama.
Naging topic kasi sa nasabing foreign show ang talent ni Paolo sa panggagaya sa itsura ng mga kilalang Hollywood stars tulad nina Jennifer Lopez, Taylor Swift, Ariana Grande, Jennifer Lawrence at ang latest nga ay itong pangongopya ni Paolo kay US First Lady Michelle Obama.
Sey daw ni Figueroa nang ipapakita na sa screen ang ang litrato ni Paolo bilang si Obama, “Well, watch out, you know that Michelle Obama looks like she’s from the cast of Planet of the Apes, the movie…”
Mabilis na na-upload sa internet ang video clip ng nasabing segment hanggang sa kumalat na sa social media. At dahil dito, tsinugi nga si Figueroa sa lahat ng trabaho niya sa Univision network. Ang Univision ay isang American Spanish language broadcast television network na pag-aari ng Univision Communications.
Nag-issue rin ng official statement ang Univision tungkol sa nangyari: “Yesterday during the entertainment program ‘El Gordo y La Flaca,’ Rodner Figueroa made some comments about First Lady Michelle Obama that were completely reprehensible and in no way a reflection of the values and opinions of Univision. As a result, Mr. Figueroa was fired immediately.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.