Alaska Aces dinurog ang Blackwater Elite | Bandera

Alaska Aces dinurog ang Blackwater Elite

Melvin Sarangay - , March 12, 2015 - 12:00 PM

WINAKASAN ng Alaska Aces ang tatlong sunod na pagtatalo at nakatikim na rin ng panalo ang import nitong si Damion James matapos nilang tambakan ang Blackwater Elite, 82-68, sa kanilang 2015 PBA Commissioner’s Cup elimination round game kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Gumawa si James ng 29 puntos at 22 rebounds para pangunahan ang Alaska at nakuha niya ang unang panalo matapos na makalasap ng pagkatalo sa unang tatlong laro nang kanyang palitan si DJ Covington sa kalagitnaan ng kumperensiya.

Hindi ininda ng Aces ang pagkawala ng starting point guard nitong si JVee Casio para umangat sa kartadang 3-5 habang hinulog naman nila ang Elite sa 2-7 karta.

Hindi naglaro si Casio dahil sa nabaling ilong at ang dating De La Salle University star ay dumaan sa operasyon para ayusin ito.

Si rookie guard Chris Banchero at Ping Exciminiano ay nagdagdag ng 12 at 10 puntos para sa Alaska. Ang beteranong swingman ng Aces na si Dondon Hontiveros ay umiskor ng siyam na puntos sa kanyang pagbabalik.

Nagtala naman si Marcus Douthit ng 21 puntos at 15 rebounds para pamunuan ang Blackwater.

“DJ (Damion James) is as versatile as he is. He can play the three and the four. He can rebound at the three. He didn’t play as a big man for us today, and that was really helpful,” sabi ni Alaska head coach Alex Compton.

“We played better defense. There were things we worked on, and we had a different lineup just to give Blackwater a new thing it hasn’t seen before,” dagdag pa ni Compton, na ginamit si James sa small forward position na gumulat sa depensa ng Elite.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending