Sharon sa pagtakbo sa eleksiyon 2016: Siguro pag-iisipan ko muna! | Bandera

Sharon sa pagtakbo sa eleksiyon 2016: Siguro pag-iisipan ko muna!

Julie Bonifacio - March 12, 2015 - 02:00 AM

karla-estrada
TIYAK na ang saya-saya at excited na ang Sharonians sa pagbabalik ng kanilang idolo na si Megastar Sharon Cuneta sa telebisyon. Mapapanood na nila si Mega sa bagong programa ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar sa March 14 and 15.

Uupo siya bilang isa sa mga jury ng bagong reality talent show ng Dos kasama ang dalawa pang singers na sina Jed Madela at Gary Valenciano. Sila ang huhusga sa walong celebrity contestants na kasali sa YFSF na kinabibilangan nina Jolina Magdangal, Maxene Magalona, Melai Cantiveros, Karla Estrada, Tutti Caringal, Nyoy Volante, R&B King at bagong Kapamilya na si Jay-R at ang indie actor na si Edgar Allan Guzman.

Magbibigay ng total transformation ang walong celebrity performers upang maging ka-face at ka-sound ng mga pinakasikat na music icon para maghandog ng kakaibang aliw at concert experience.

Noong tinanong si Mega na isa ring music icon kung sino among the contestants ang kering-keri na gayahin siya, ito’y walang iba kundi ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.

Inamin naman ni Sharon na ipinagdasal talaga nila ng mister niya na si Sec. Francis Pangilinan na makabalik siya sa ABS-CBN. Pero hindi naman daw siya nag-apply sa mga ehekutibo ng Kapamilya network para kunin muli. At hindi rin daw dahil sa ratings kaya siya bumalik sa ABS-CBN.

“No, because you’ll never know what’s your ratings will be. You always take a chance, it’s always a gamble when you start something new. But it helps when you’re in the number one network.

I’m mean, D’yos ko naman, you know me naman, I’m diretsa. I don’t make tsetse-buretse. Ang laking utang na loob for me na, for my fans to be able to see me again, ‘di ba on TV,” pahayag ni Mega.

Nagpapasalamat si Mega na hindi nawala ang paniniwala ng mga ececutives ng Dos sa kanya, “But you know where I’m coming from kasi I was humbled so, I only want to give them my very, very best.

Kung meron pang hindi lumalabas sa akin sa loob ng buong buhay ko, ilalabas ko. Ha-hahaha!” Nakwento rin ni Mega na naisip din niya noon na tumigil na sa pag-aartista, “Oh yeah, pero sandali lang.

Parang ‘yung feeling ko nagbabakasyon ako sa States, ganyan. Gustong umarte. ‘Yung concerts hindi ko masyadong na-miss kasi tuluy-tuloy lang naman. Pero ‘yung pag-arte, gusto kong mag-movie. Nami-miss ko nang magdrama.

“‘Yung creative juices ko feeling ko parang kinulong. So, parang kailangan nang sumabog. So, eksakto ‘yung time nang pag-uwi ko. But it was really shortlived when I thought of that.

Sabi ko, you build your career for four decades, this is not the way you want to end, ‘di ba? Ako I just want a graceful exit because I owe it to my Sharonians,” lahad niya.

Pinabulaanan din ni Mega ang bali-balitang papasok na siya sa 2016 bilang Mayor ng Pasay City, “At this point in my life, I’m 49, I have been there and done that.

If I feel I’m going to be, if I will be able to impact more lives in a positive way in another field, I will have to think about it. Hindi ‘yung basta nag-decline and say no, never. I have to think about it.”

When we’re given a chance na makalapit kay Mega for photo-op, tinanong namin siya kung may plano ba si Sec. Francis na tumakbo muli sa 2016 election.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot sa amin ni Mega, mas gusto raw ng husband niya na bumalik ulit bilang Senador. Mas marami raw kasi ang trabaho ng mister niya bilang cabinet secretary kesa isang senador. ‘Yun na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending