LABIS na ang hinihingi sa gobyerno ng mga kamag-anak ng 44 police commandos na na na-patay sa pakikipagbarilan sa mga rebeldeng Moro sa Mamasapano, Maguindanao.
Lahat ay ibinigay na sa kanila ng gobyerno at mga mamamayan na nakikiramay sa kanila: monetary benefits, contributions from some local government units and the public, pera na galing sa presidential social fund, scholarships para sa mga anak ng yumao, pabahay, atbp.
Pero hindi pa rin nakukuntento ang mga pamilya; gusto pa nila ay humingi ng patawad si Pangulong Noy sa publiko at hustisya para sa pagkamatay ng mga SAF troopers.
Tama lang na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 44 police commandos pero di sobra na kung kailangan pang humingi ng tawad ang Pangulo sa kanilang pagkamatay?
Nakakalimutan yata ng pamilya ng “Fallen SAF 44” na marami ring mga sundalo ang na-patay sa Mindanao na hindi nabigyan ng masyadong atensiyon gaya nang ibinibigay sa pagkamatay ng SAF 44.
Huwag sanang maimpluwensiyahan ang mga naulila ng SAF 44 ng mga taong ibig patalsikin si Pangulong Noy upang maisakatuparan ang kanilang ambisyon.
Oo nga’t inutusan ni PNoy ang Special Action Force o SAF na hulihin o patayin ang isang international terrorist na may alyas na “Marwan” na naging sanhi ng pagkamatay ng maraming miyembro nito.
Kung ang pangulo, bilang Commander in Chief, ay nagkamali at ang kanyang pagkakamali ay nagresulta ng pagkamatay ng 44 police commandos, talagang malas lang.
Pero dapat malaman ng mga kamag-anak ng mga yumao at ng publiko na marami ring kawal ang nasawi sa larangan ng digmaan sa Mindanao dahil sa pagkakamali ng mga nakakataas sa kanila.
It so happened that the one who made the wrong decision to send SAF troopers to get Marwan was the president himself.
Ang mga sundalo ay hindi pinadadala sa digmaan upang mag-picnic; alam nila na ang kanilang buhay ay maaaring malagas dahil ganyan ang kanilang trabaho.
Ang mga naulila ng 19 Army Special Forces soldiers na napatay sa engkwentro sa mga rebeldeng Moro at teroristang Abu Sayyaf sa Al Barka, Basilan noong 2011 ay hindi nag-rereklamo gaya ng mga pamilya ng SAF 44.
Bakit nagrereklamo ang mga pamilya ng SAF 44 sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay samantalang alam nila na gawain ng kawal na mapatay o pumatay ng mga kalaban?
Sobra-sobra na ang mga benepisyo na tinanggap ng mga naulila ng SAF 44, kasama na rito ang pabahay at scholarship para sa kanilang mga anak, pero marami pa rin silang hinihingi.
qqq
Ano naman ang pagkakaiba ng Fallen 44 sa mga 19 Army Special Forces (SF) troopers na namasaker ng mga rebelde ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Abu Sayyaf sa Al Barka, Basilan noong 2011?
Di gaya ng Fallen SAF 44, ang mga “Slain SF 19” ay hindi hinirang na mga bayani kahit na napatay sila upang iligtas ang ilang kidnap victims sa mga kamay ng MILF at Abu Sayyaf.
Ang pamilya ng SF 19 ay di nabigyan ng mga benepisyo katumbas ng natanggap ng SAF 44.
Pero, nakarinig ba ang publiko ng reklamo sa mga naulila ng SF 19?
qqq
Tama ang utos ni Davao City Mayor Rody Duterte na ipakulong ang mga magulang ng mga batang gumagala sa lansangan.
Nakita kasi ni Duterte ang tatlong batang natutulog sa ila-lim ng kotse sa isang daan sa lungsod sa disoras ng March 5.
Hindi raw puwedeng ipaaresto ang mga bata, ani Duterte, pero puwedeng ipaaresto at ipakulong ang mga magulang nito.
Kapag ginawa yan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa, mababawasan ang bilang ng mga batang lansa-ngan.
Aanak-anak sila at pagkatapos ay pababayaan nila ang mga bata na gumala sa lansangan upang mamalimos o gumawa ng krimen o ipagbili ang kanilang mga murang katawan?
Dapat ngang ikulong ang ganitong klaseng magulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.