‘Pwede ba, manahimik na lang kayo, mga bastos!’ | Bandera

‘Pwede ba, manahimik na lang kayo, mga bastos!’

Jobert Sucaldito - March 05, 2015 - 02:00 AM

bong revilla

MARAMING salamat naman sa Sandiganbayan at pinayagan nilang makadalaw si Sen. Bong Revilla sa anak na si Vice-Governor Jolo Revilla sa Asian Hospital last Tuesday.

It was a very emotional meet-up dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na merong pinagdadaanang mga problema ang Revilla family lalo na kay Sen. Bong na kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame.

I saw the pics nilang mag-ama sa hospital room ni Jolo– sa ICU ng Asian Hospital iyon – naluha ako sa mga litrato ng mag-ama. Nang makita ni Jolo si Sen. Bong, umiyak ito sabay sabing, “I’m sorry, daddy.

I am sorry.” na sinagot naman ito ni Bong ng, “It’s alright son. Just be strong” or something to that effect. Nai-imagine ko rin ang feeling at paghihirap ng kalooban ni Cong. Lani Mercado sa mga pagsubok na dumating sa buhay ng kaniyang mag-ama.

It’s not easy for her to fulfill her duties – bilang ina sa kaniyang mga anak, bilang asawa ng mabait nating senador at bilang public servant na hindi bumibitaw sa kaniyang tungkulin despite what she is going through.

Akala kasi ng ibang tao, okay na ang maging mayaman – pero kung ganito lang din ang pagdurusang pagdadaanan ko sa gitna ng yaman ko, I’d rather remain a pauper.

Mahirap imadyinin ang ganitong klase ng buhay. Saan ka huhugot ng kaligayahan kung ganito kasalimuot ang pinagdadaanan ng pamilya mo, aber?

Naloka lang ako sa ibang netizens natin na sa sa gitna ng pagsubok ng mag-amang ito, walang humpay na panlalait pa rin ang kanilang ipinu-post sa social media. Some still have the nerves to curse – mga walang puso, di ba?

O sige na, kayo na ang malinis – kayo na ang walang bahid dungis – kayo na ang matino – kayo na ang walang kasalanan, ang mga Revilla na ang pinakamasama.

Masaya na ba kayo? Nasaan ang mga puso ninyo? Wala naman kaming hinihiling dito kungdi a little compassion lang. May nagsabi pang bakit kailangan pa raw i-post ang picture ng pagkikita nina Jolo at Bong, para raw ba kumuha ng public sympathy? Wala raw kasi siyang naramdaman na sincere ang mag-ama.

‘Nyetang netizen ito. Kung wala siyang naramdamang simpatiya, hindi namin siya hinihingan ng simpatya. Pero wala siyang karapatang mambastos – magpakita siya sa akin at baka masikmuraan ko lang siya.

Just a little heart, bit***h! Or if not, kung wala kang magandang masabi, just shut up! Basta kami, we are praying ardently na malagpasan ng mga Revilla itong malalaking mga pagsubok na dumaraan sa buhay nila.

We just wish that Jolo recovers fast – that Sen. Bong would be off the hook soon. That everything will be alright – that the Revilla’s name will be cleared of everything.

Kung mapatunayang may kasalanan sila, let the courts of law judge them – not anyone of us, intiendes? Kakaloka itong ibang mga kababayan natin. Ang sasama talaga ng ugali. Mga baliw!

Samantala, hindi na pala aapela si Sen. Bong Revilla na madalaw uli sa ospital si Jolo matapos malamang bumuti na ng kaunti ang kundisyon nito.

Ayon sa abogado ng pamilya na si Atty. Raymond Fortun, maganda na ang naging resulta ng ginawang CT scan kay Jolo.
”I cannot pinpoint what medical term it should be so I’ll just wait for the doctor’s say on it.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

But it was encouraging enough that Senator Revilla decided not to push through with his plan to ask the Sandiganbayan for another furlough,” pahayag ni Atty. Fortun sa interview ng ANC kahapon.

”Senator Revilla felt that Jolo’s condition was not urgent enough to require his presence for today,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending