Carmina pumatol kay Paulo Avelino, game na game sa kama
Pumayag si Carmina Villaroel na magkaroon ng love scene with Paulo Avelino sa bagong Primetime Bida series ng ABS-CBN na Bridges Of Love na magsisimula na ngayong darating na March 16, kapalit ng Two Wives.
Sa presscon kahapon ng Bridges Of Love, ayaw pang ikuwento ni Mina kung ano ang magiging role niya sa serye, pero napilitan din siyang sabihin – gaganap siya bilang lover ni Paulo na gagawin ang lahat mahalin lang siya ng lalaking kinababaliwan niya.
Sey ni Carmina, ito na ang pinaka-daring na nagawa niya sa TV mula nang magkaroon siya ng mga anak, at tinanggap niya ang project dahil gusto niyang i-challenge ang sarili niya bilang aktres.
“Kinailangan ko siguro ng one year rest for this project because kinailangan ko ng motivation. Ang tagal ko na sa industry na ito pero kung kailan naman ako nagkaroon ng dalawang supling, saka naman may ganito.
But I’m very thankful na ako ‘yung naisip nila to portray Alexa. Nakaka-feeling bagets,” ani Mina. Kuwento pa ng misis ni Zoren Legaspi, “In love ako with Paulo. I thought meron kaming something going on pero it turned out na hindi pala.
Doon na manggagaling ‘yung hurt ko and devastation.” “Kung tutuusin mabait naman yung character ko. Dahil lang sa sitwasyon, sa pinanggalingan ko sa mga nangyari sa akin in the past, medyo nagiging hindi mabait.
Human lang ako na nasasaktan, nai-in love pero nagkakaroon ng shattered dreams,” aniya pa. Ano ang reaksiyon ni Zoren sa bago niyang project, lalo na’t magkakaroon pa sila ni Paulo ng intimate scenes? “Trabaho lang naman.
Tsaka busy siya sa Forevermore kaya hindi ko masyadong napansin ang reaction niya. “No, honestly, hindi naman kailangan mag-react. Pag sa mga anak ko, siguro huwag na lang nila panoorin.
But alam naman nila na it’s part of my work. Hindi naman sa gusto ko mangyari ito. Kinailangan lang. I’m very honest naman with my kids,” esplika pa ng TV host-actress.
Bukod kina Mina at Paulo, makakasama rin sa Bridges of Love si Edu Manzano, ang The Legal Wife tandem nina Maja Salvador at Jericho Rosales. Bahagi rin ng serye sina Antoinette Taus, Max Eigenmann, Maureen Mauricio, Lito Pimentel at marami pang iba.
Ito’y sa direksiyon nina Dado Lumibao, Will Fredo at Richard Somes under Star TV Creatives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.